Paano po ang hatian ng lupa kung namatay ang may-ari at meron siyang una at pangalawang naging asawa?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Itatanong ko po sana kung paano ang magiging hatian kung ang lupa pong pagmamayari ng lalaki (sa kanya po nakatitulo) ay paghahatian na ng mga naiwan niya dahil sa siya po ay pumanaw na.

Ang dad ko po ay napangasawa ang mom ko (kasasl po sila) after August 3 ,1988, ngunit hindi pa pa po napapapunta sa dad ko ang lupa o hindi niya pa po namamana ang lupa from my grandma. After 5 years po namatay ang aking mom dahil sa sakit at doon palang po napatituluhan ng dad ko ang lupa. 1998 po namatay ang mom ko while 1999 naman po napatituluhan ang lupa na mana ng dad ko. 

Year 2000, nakapagasawa po ulit ang dad ko (kasal din po sila) at nagkaroon din po sila ng  anak which mga kapatid ko po sa dad ko. Dalawa po ang naging anak nila. Ang sabi po sa akin ng stepmom ko, naisanla po raw muna ang lupa ng dad ko before his second marriage at tinubos po nila ito ng aking stepmom after their marriage. Dahil kasal na po sila, nagplano po silang magpatayo ng mga apartment kahit na kung tutuusin po, ang stepmom ko lang ang nagpagawa ng mga apartment dahil maysakit na po ang dad ko at that time.

Year 2012, namatay po ang dad ko dahil sa sakit. Before pong mamatay nang dad ko due to cancer, naisanla po ang lupa sa banko. Hindi raw po agad naasikaso ng dad ko and my stepmom ang pagpapatitulo ng lupa "as kanila nang dalawa", kaya nanatili pong nakatitulo ang lupa sa dad ko, hanggang sa pumanaw na po siya. Sabi po kasi ng tita ko, the time na namatay ang dad ko, automatic na mapupunta sa akin ang half ng lupa. Ngunit, nakasanla pa nga po ito. The same year po, inasikaso agad ng aking step mom ang paghuhulog sa lupa upang ito ay matubos sa banko.

2018 po ay fully paid na nang aking stepmom ang lupang naisanla sa banko. Ngayon po, ako ay naghahabol ako sa aking makukuhang mana sa lupa at kung maari po ay mana rin sa mga apartment kung meorn man, na pinagawa ng aking stepmom. Masasabi po bang conjugal property nila ito ng aking dad kung stepmom ko lang po ang halos nagpaggawa kahit kasal sila. May karapatan din po ba ako sa mga apartment ng nila? Regarding po sa lupa, ano po ang karapatan ko? half po ba ng lupa ang makukuha ko dahil sa ako ang anak sa unang asawa although hindi po conjugal property ng aking both parents ito dahil napunta po ang lupa sa aking dad after my mom died. At, paano po ang magiging batayan ng pagtuos ng presyo? Kailangan po ba kung kailan namatay ang aking dad, iyon pong presyo ng lupa na iyon ang pwede i apply para magpresyo or kung magkano po ang presyohan sa ngayon. 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Based on my opinion it was an exclusive property ng father mo on the first marriage dapat sana nasettle yung estate before nag contract ng another marriage para po hindi na ma mix sa property for the second marriage. Now, sinabi po rin ninyo ng ilang beses na po itong naisanla at tinubos nga inyong step mom at may mga anak rin sila for the second marriage all of you are his legal heirs. If I were you mag agree nalang po kayo to share it equally gagawa nalang kayo ng extrajudicial settlement of estate kaya lang you need to agree kung ang share ng iba ay bibilhin nalang or physically maghatian talaga kayo. Mas mabuting mag usap muna kayo ng step mom mo for the proposal nila at sa iyo. If hindi magkasundo you need to get a lawyer of your own kailangan na din kasing ma appraise ang value na nito.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.