Pagkaing bawal sa Lasing

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Mahilig ka man uminom ng alak, mahalagang malaman na mayroong mga pagkaing dapat iwasan para di sumama ang pakiramdam, magkasakit o magkaroon ng hangover kinabukasan.

Narito mga pagkaing dapat iwasan kapag umiinom ng alak:
 
1. Kape – Akala ng iba na mabuti ang kape pangontra sa alak, para magising ka. Ngunit maaaring maka-dehydrate lalo ang kape kapag naparami, dahil meron itong caffeine, na nakaka-ihi. Dahil nakaka-dehydrate o nawawalan din ng tubig sa katawan kapag umiinom ng alak, mas na-dehydrate ka kapag sinabayan mo ng paginom ng maraming kape.   
2. Pagkaing maalat – Masarap kumain ng mga maaalat na pagkain tulad ng tsitsirya, French fries o sisig at sawsawan. Ngunit di lang masama ang sobrang asin sa katawan, kundi nakakauhaw din ito. Kaya’t lalo ka napaparami ng inom pag maaalat ang pulutan.  Pag sobra ang nainom o nalasing, nakaka-dehydrate ito.
3. Tinapay – Pag ayaw mong parang bloated o napupuno ang tiyan, iwasan ang pagkain ng tinapay habang umiinom ng beer. Dahil parehas na maraming yeast o pampaalsa ang tinapay at beer, kaya’t mahihirapang magtunaw ng pagkain ang ating tiyan. Kapag nahirapan magtunaw ng pagkain ang tiyan, maaaring magkaroon ng problema sa panunaw o digestion.
4. Chocolate o cocoa – Iwasan ang chocolate dahil acidic ang chocolate at cocoa, na nakakapagpalala ng problema sa panunaw o problema sa tiyan.
 
Sa kabilang banda, may mga pagkain naman na nakaka-labnaw ng nainom na alak. Nakakatulong din ang mga pagkaing ito na di agad mapunta ang alak sa daluyan ng dugo.
 
Narito ang iilang mga pagkaing pwede mong kainin bago uminom ng alak.
1. Saging at ibang prutas -  Mayaman sa fiber at potassium ang saging, na nakakapagpabagal sa pagpunta ng alak sa daluyan ng dugo ng katawan. Nakaka balance rin ito ng electrolyte sa katawan.
2. Itlog  - Mayaman sa protina ang itlog, at nakakatulong ang protein na bumagal ang pagpunta ng alak sa daluyan ng dugo. Isa pa, madaling makabusog ang itlog, kaya maiiwasang mapasobra ang kain. 
3. Tubig - Pinaka-mahalaga ang paginom ng tubig kapag umiinom ng alak. Dahil nakakapagpalabnaw ng alak ang paginom, at nagbabalanse rin ang tubig ng asin sa katawn. Kaya’t tuwing umiinom ng alak, mabuting uminom ng tubig paminsan-minsan.
4. Luyang dilaw at calamansi: - Mabuti raw ang luyang dilaw at lemon sa ating atay. Maaaring ihalo ang calamansi at turmeric sa tubig na iniinom.
5. Mani - Di lang masarap ang mani, may mga taba sa mani na tumutulong mapabagal ang pagsipsip ng alak papunta sa daluyan ng dugo.
6. Salmon – May omega-3 fatty acids ang salmon na nakakabawas ng pamamaga sa utak tuwing umiinom ng maraming alak. 
 
Nakaka-dehydrate ng katawan ang alak. Nawawalan din ng balance ng asin sa ating katawan pag umiinom ng alak. Kaya’t masakit ang ulo natin kinabukasan kapag maraming nainom. Kapag sobra ang nainom, di naproproseso ng ating atay ang alak, kaya’t nasusuka tayo pag nalalasing.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.