PAGPAPA-REHISTRO NG Illegitimate children or anak sa labas

Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines

Ang isang bata na ipinanganak sa ama’t ina na hindi kasal ay itinuturing ng batas na “natural” children or illegitimate children. Dahil na rin siguro sa tinatanaw ng batas na wala hindi naman kasalanan ng bata na noong ipinanganak siya ay hindi kasal ang kanyang magulang, may mga karapatan pa rin ang mga batang illegitimate.

Sa ilalim ng International Convention on the Rights of the Child, ang lahat ng bata ay may karapatan na sila’y ipa-rehistro, bigyan ng pangalan, magkaroon ng nationality (o kabilangan bilang mamamayan ng isang bansa) at may karapatan na siya’y alagaan ng kanyang mga magulang. Ang Pilipinas po ay pumirma sa Convention o tratado na ito, kung kaya’t ang mga batas po natin ay ipinasa na ka-ayon nitong kasunduan na ito. Kaya po, kahit saan kayo manganak, sa ospital man, sa paanakan, kahit sa bahay sa ilalim ng pag-aalaga ng kumadrona, pinapa-fill-up po ang lahat ng mga babae ng Certificate of Live Birth para sa kanilang mga anak.

Hindi lahat ng ILLEGITIMATE children ay pare-pareho. May mga batang ilehitimo dahil sa ang mga magulang nila ay puede namang magpakasal, pero ayaw pa nilang magpakasal o hindi lang sila nagpapakasal pa. Mayroon namang mga ilehitimong bata na hindi maaaring magpakasal ang kanilang mga magulang sa isa’t isa dahil sa sila’y kasal sa ibang mga tao. Tinatawag ang bata na “love child”.

 

Paanong ipaparehistro ang bata kung hindi kasal ang mga magulang ng bata?

Sa ilalim po ng Family Code, na isang Executive Order lamang (at hindi batas a ipinasa ng Congreso o Senado), noong una, hindi po puedeng ibigay ng ama ang apelyido niya sa bata kung hindi sila kasal noong ina, kahit gusto pa noong ama. Na-amyendahan po ang Executive Order na ito, taong 2004 noong ipinasa ang Republic Act 9255 na nagbibigay ng karapatan sa mga ilehitimong bata na dalhin ang apelyido ng kanilang mga ama kahit na hindi kasal ang mga ina nila sa kanilang mga ama.

Sa likod po ng Certificate of Live Birth, mayroon pong Affidavit of Recognition. Ito po ay lalagdaan ng ama ng bata kung nais niyang tanawin na ang batang ipinanganak ay kanyang anak nga, at dahil dito’y kanyang pinahihintulutan na dalhin o gamitin ng bata ang kanyang apelyido. Kung ayaw ng ama na pirmahan ang Affidavit of Recognition, hindi po maaaring gamitin ng bata ang apelyido ng kanyang ama. So, ang apelyido ng bata ay isusunod sa apelyido ng kanyang ina. Marami na pong problema ang mga batang isinunod lamang sa ina ang kanilang mga apelyido dahil sa wala silang middle name.

 

Paano kung magpakasal ang mga magulang ng bata matapos siyang maipa-rehistro?

May mga ama’t ina na bagamat mayroong relasyon at nagsasama, ay hindi ipinagamit sa bata ang apelyido ng ama. Kung ang ama’t ina ay wala namang dahilang legal na makapipigil sa kanila sa ilalim ng batas na magpakasal (no legal impediments to marry), at sila ay magpakasal matapos na maipa-rehistro na ang bata, ang bata ay LEGITIMATED na. Ibig sabihin ng “legitimated”, dati’y illegitimate ang bata, pero, dahil sa ang mga magulang niya’y nagpakasal din matapos siyang maipanganak at maipa-rehistro, tinatanaw na ng batas na siya’y legitimate na din.

Ano po ang puedeng gawin kung ganito? Puede pong gumawa ng Affidavit of Legitimation. Tapos po, ipa-file poi to doon din sa Civil Registry kung saan ipina-rehistro ang bata noong una. Ang gagawin po ng Civil Registrar, iwawasto po ang rehistro ng bata. Ilalagay po sa lumang rehistro ang annotation na ang bata ay legitimated na dahil sa nagpakasal na ang mga magulang niya. Ia-annotate din ang Certificate of Marriage ng mga magulang. Tapos po, lalabas na po ang bagong Certificate of Live Birth ng bata na nakalagay na ang kanyang bagong apelyido.

 

 Puede bang i-recognize ng ama ang bata matapos na ito’y maiparehistro na sa pangalan ng ina?

Kung halimbawa ay noong ipinanganak ang bata, ayaw pumayag ng ama na i-recognize ang bata na kanyang anak at ayaw niyang pumirma noong Affidavit of Recognition noong ito’y ipa-rehistro. Pagkaraan ng ilang panahon, nagbago ang isip ng ama, at gusto na niyang dalhin na ng bata ang kanyang apelyido, puede din siyang magpagawa ng Affidavit of Recognition at ito ay isa-submit din sa Civil Registry kung saan naipa-rehistro ang bata noong una. Tapos, ang Civil Registrar, ang gagawin ay ia-annotate ang Affidavit of Recognition doon sa lumang Certificate of Live Birth. Ilalakip din ang Affidavit of Recognition doon sa luma. Tapos, ika-kansela ito at mag-gagawa ng bago kung saang ang apelyido ng bata ay iyon ng a kanyang ama.

 

Paano kung ayaw ng sinasabing ama na ariin na ang bata ay kanya?

Kung halimbawa’y gusto ng bata at ng ina ng bata na pilitin ang ama na tanawin siyang tunay na anak nga (halimbawa’y kasal sa iba ang ama). Kailangang dumulog ng ina at ng bata sa husgado. Sila ay magsasampa ng Petition for Recognition of Illegitimate Paternity and Filiation. Ito po iyong mga pagkakataon na ayaw ng legal wife na tanawin ng ama ng bata na kanya ang illegitimate child na iyon. O kaya, itinatanggi ng ama na ang bata ay kanya (nangyayari po ito sa mga showbiz celebrity at sa mga mayayaman) kasi po’y may mamanahin ang bata doon sa ama kung mapatunayan niyang siya’y illegitimate child noong ama.

Doon po sa Petisyon na iyon, kailangan pong ilagay ng ina at ng bata ang mga kadahilanan at ebidensiya kung bakit dapat tanawin na tunay na anak ng ama ang bata. Anu-ano po ang mga ebidensiyang iyon?

1.      Mga litrato na kung saan ipinapakita na nagsasama ang ama at ina na sila’y may ugnayan o relasyon.

2.      Mga sulat or email or text messages kung saan tinatawag ng ama ang bata na kanyang “anak” o supling.

3.      DNA evidence na nagpapatunay na ang genetic profile ng bata ay pareho sa kanyang ama.

Kapag napatunayan po ng ina na ang bata ay tunay ngang illegitimate child noong ama, maglalabas po ng Decision ang husgado, kung saan isasaad na ang bata nga ay napatunayang kadugo noong sinasabing ama. Tapos po’y maglalabas ng Order ang husgado kung saan inuutusan niya ang Civil Registrar General na baguhin ang Certificate of Live Birth ng bata upang ang apelyido ng ama ay ipagamit na sa bata. 

 

Paano kung ang isang illegitimate child ay ampunin ng mapang-asawa ng ina?

May mga pagkakataong ang mga magulang ng bata ay hindi nagpakasal, naghiwalay at hindi na nagsasama pa. Tapos, ang bata ay rehistrado lamang sa pangalan ng ina, at hindi naipagamit ng ama ang kaniyang apelyido sa bata. Pero, kalaunan, ang ina ay nakapag-asawa din. Tapos, gusto noong napang-asawa niya na ang pangalan ng bata ay isunod sa kanyang apelyido.

Kapag ganito ang nangyari, maaaring ampunin ng asawa noong ina ang illegitimate child ng kanyang asawa o kabiyak. Sa ganitong kaso, kailangang magsampa ng Petition for Adoption ang asawa noong ina.

Dahil sa ang bata ay hindi rehistrado sa pangalan noong ama, hindi na kailangan pang isama sa petisyon ang pangalan noong ama sa dugo noong bata (dahil sa hindi naman niyang tinatanaw na ang bata ay kanya, hindi siya tinuturing ng batas na may parental rights doon sa bata). Hindi kailangan ang kanyang consent sa adoption.

Kung ang bata ay isinunod sa pangalan ng ama sa dugo dahil sa tinanaw siya ng kanyang sinabing ama na anak at kadugo, kung aampunin ang bata noong napang-asawa noong ina, kailangan ng consent noong ama. So, kasali sa petition ang ama. Kasi, bilang ama, mayroon siyang parental rights sa bata. Tinanaw niya kasing siya’y ama noong bata, at ang bata ay dugo niya at anak niya, kaya’t ang pahintulot niya’y kailangan.

 

 

------

Ang mga nakalagay dito sa post na ito ay pawing legal information lamang. Ito’y hindi legal advice at hindi dapat na tanawing legal advice. Hindi nagbibigay ng legal advice ang post na ito. Para ma-protektahan ng lubusan ang karapatan ng magbabasa ng post na ito, mabuting sila’y sumangguni sa isang abogado.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati

 

This post has been closed for comments and replies. To ask a related or new question, please post a new question below.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hi po atty. may anak po ako nung pagkadalaga tapos po nakaapelyido po ang anak ko sa exbf ko tapos po iniwan po nya ko pero kahit kelan po hindi nya sinustentuhan ang anak ko tapos po nagkaasawa napo ako ang gusto po naming mangyari palitan ang apelyido ng bata sa asawa ko po ngayon.
Recommend Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hello po atty. May anak din po akong nakaapelyido po sa akin (mother).Ever since nong pinanganak ko po sya nagbibigay po ng financial support ang Ama nya.1year and 4 months na po ang anak ko ngayon at lalaki po.Yung x ko po is Chinese po sya.Napag-alaman ko pong may plan sayang kunin ang anak ko.May mga gusto po akong itanong sa inyo para po magkaroon ako ng peace of mind.
1.Can I always say no po ba sa Ama ng anak ko Kung gusto nya na mag file nong Affidavit of recognition para magamit ng bata ang surname niya?Will he needs me kapag nag file sya ng ganun?
2.Makukuha ba niya anak ko kahit lastname ko ang gamit ng anak ko ngayon knowing nag susupport sya sa anak ko?
3.Ano po ang mga rights Nya sa anak namin ngayon?

Salamat po sa mga sagot ninyo sa akin.
Recommend Report abuse
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Hello, Anonymous 1. Kung gusto ng asawa mo na ang bata ay nakapangalan sa kanya, your husband will have to adopt your daughter. Iyon na nga lang, kung may contact ka pa sa ama ng anak mo, kailangan ng consent niya sa adoption. Pero, kung maipu-prove mo na talagang abandoned na ng ama ng bata ang kanyang anak, kaya gusto nang tanggalan siya ng parental authority at ampunin ng iyong husband, you have to provide the court with proof. Kasi, nasa pangalan siya ng ama niya, so, recognized ang bata, pero, kung may proof ka na wala nang contact sa bata ang ama, at walang kahit na anong suporta ang ibinigay habang lumalaki ang bata, well, that is possible na ma-adopt ng husband mo ang iyong anak.
Ask and consult with a lawyer.
Recommend Report abuse
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Una sa lahat, ang biological father ay laging may karapatan na i-recognize ang kanyang anak. May karapatan din ang bata na gamiting ang pangalan ng kanyang ama (kasi, ito ay kasama ng karapatan na maging tagapag-mana ng kanyang ama -- why would you deprive your child of these rights, diba?)

Iyong na nga lang, puede din na ang ama ay mag-demanda na siya na lamang ang magkaroon ng custody sa bata. Puede kasi siyang gumawa ng kuwento at magdemanda, sabihin na ikaw ay isang unfit na mother at kuhanin niya ang custody sa bata.

Kung sa bagay, kahit na wala sa pangalan niya ang bata, puede pa din naman niyang forcibly na kuhanin o kidnapin ang bata, puedeng agawin niya ang bata sa iyo, kahit na ano pa ang apelyido ng bata.

Ngayon, kung ilalabas niya ng bansa ang bata, maaari kasing ipa-rehistro niya ang bata sa pangalan niya. Alam mo, iba na ang mga tao ngayon. Iba na ang panahon. Medyo mahirap na ang mga panahon ngayon.

Hindi kita masagot ng mahusay dahil sa hindi ko naman alam ang mga facts. Ang pinaka maigi nito, pumunta ka sa isang abogado at humingi ka ng payo.
Recommend Report abuse
Diana  Garcia
is in the Philippines
Maam paano po yung father ay ofw?..gusto niya pong mapirmahan ang birth certificate ng anak namin...hindi po kami kasal...pwede ko po sabihin sa ospital na ipapadala ko abroad yung document para mapirmahan at ibabalik kaagad sa pilipinas pagkatapos mapirmahan?
Recommend Report abuse
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.