Pampabilis Matuto: Ano natural na gamot pampatalino at pampatalas ng isip?

Medical Team
is a Medical expert in United States

May mga mistulang gamot na pagkain na nakakatulong mapabilis ang isip at mapatalas ng konsentrasyon. May mga sangkap rin ito na nagpapalakas ng utak, para mapabilis matuto. Di lang yan, nakakatulong din ang mga ito na maging alisto ang utak at para mabilis maka-pick up.

Narito mga natural na pagkain na pampatalas ng utak:
1. Isda na mayaman sa Omega 3
Mahigit kalahati ng ating utak ay gawa sa omega 3 fatty acid. Ginagamit ng ating utak ang omega-3 para magkagawa ng nerve cells sa utak, kaya’t mahalaga itong omega 3 fatty acids para sa pagtututo at memorya.
Ang mga isda na mayaman sa omega-3 fatty acids ay ang salmon, tuna, sardinas.
Nakakatulong din ang omega-3 na maiwasan ang pagbagal ng utak dahil sa katandaan at sa pagka-ulyanin.
 
2. Mani
Ayon sa research ng mga eksperto, nakakababa ng tsansang rumupok ang pagiisip sa mga may edad ang pagkain ng mani, dahil sa sangkap ito na Vitamin E.
Nakakatalas din ng isip ang madalas na pagkain ng mani, ayon sa research, dahil mayaman ito sa anti-oxidants.
 
3. Buto ng Kalabasa
Mayaman sa magnesium, zinc, copper at antioxidants ang pumpkin seeds o buto ng kalabasa, na prumoprotekta sa utak. Nakakatulong ang mga nutrients na ito na patibayin ang utak at maiwasan ang mga sakit sa utak, tulad ng pagka-ulyanin.
 
4. Broccoli
Mayaman sa antioxidants at vitamin K ang Brocolli. May sangkap ang vitamin K na nakakatibay ng brain cells na nakakatalas ng memorya at pagiisip. Bukod pa dito, nakakaprotekta rin ang vitamin K sa pagkapinsala ng utak dahil mayroon itong anti-inflammatory effects.
 
5. Kape
Dalawang sangkap ng kape ang nakakatulong patibayin ang utak: Ang caffeine at antioxidants. Nakaka-alerto ang caffeine sa isip. Nakakatalas din ito ng konsentrasyon. Di lang yan, nakakababa rin ng tsansang magka-ulyanin ang kape, dahil mayaman ito sa anti-oxidants.
 
6. Dark chocolate
Di kagaya ng mga ordinaryong milk chocolate, ang dark chocolate ay mayaman sa cocoa powder, na mayroong flavonoids, caffeine at anti-oxidants. Di lang nakakatalas ng memorya ang mga ito, kundi nakakaganda rin ito ng mood o positibong pakiramdam.
 
7. Green tea
Katulad ng kape, mayroong caffeine ang green tea na nagpapalakas ng utak. Sa katunayan, nakakatalas ito ng memorya at pokus. Mayroon rin itong sangkap na L-theanine, na nakaka-relax, at nakakontra ang pampasigla ng caffeine.
 
Source:
Tsurumaki N, Zhang S, Tomata Y, Abe S, Sugawara Y, Matsuyama S, Tsuji I. Fish consumption and risk of incident dementia in elderly Japanese: the Ohsaki cohort 2006 study. Br J Nutr. 2019 November 28;122(10):1182-1191. doi: 10.1017/S0007114519002265. PMID: 31477191.
 
Li M, Shi Z. A Prospective Association of Nut Consumption with Cognitive Function in Chinese Adults aged 55+ _ China Health and Nutrition Survey. J Nutr Health Aging. 2019;23(2):211-216. doi: 10.1007/s12603-018-1122-5. PMID: 30697633.
 
O'Brien, J et al. “Long-term intake of nuts in relation to cognitive function in older women.” The journal of nutrition, health & aging vol. 18,5 (2014): 496-502. doi:10.1007/s12603-014-0014-6
 
Meier BP, Noll SW, Molokwu OJ. The sweet life: The effect of mindful chocolate consumption on mood. Appetite. 2017 January1;108:21-27. doi: 10.1016/j.appet.2016.09.018. Epub 2016 September15. PMID: 27642035.)
 
Dietz C, Dekker M. Effect of Green Tea Phytochemicals on Mood and Cognition. Curr Pharm Des. 2017;23(19):2876-2905. doi: 10.2174/1381612823666170105151800. PMID: 28056735.
 

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.