Lalaki Sinunog ng Buhay
Himalang nakaligtas ang 22 years old na binata na napagtripan umano pagkatapos buhusan ng gas at sinilaban ng isang hinihinalang adik na kilala sa tawag na "Bubot". Mabilis na isinugod sa Pasig City General Ospital ang biktima. Nagtamo siya ng first degree burn, nakilala ang binata na si Leo Bradicina, isang delivery helper at naninirahan sa Brgy.
Nagpayong, Pinagbuhatan, Pasig City.
Ayon sa biktima habang nakaupo siya sa labas ng kanilang bahay upang magpahangin ay may biglang lumapit na lalaki dala ang isang supot ng plastik na may lamang gas. Laking gulat niya ng biglang binuhos sa kanya sabay sindi sa hawak nitong lighter. Patuloy namang pinaghahanap ng mga Pasig police ang suspek.