Maine Mendoza at Derrick Monasterio may relasyon?
May mga bali-balita na may nakakita sa Subic na magkasama sila Maine at Derrick sa araw ng mga puso. Kaya todo react ang AlDud Fans na mga loyal sa kanilang dalawa ng ka-love team na si Alden Richards. Pero nang tanungin ang young actor na si Derrick ay sabi lang na nagkataon lang daw ang kanilang pagkikita. O di kaya takot lang si Derrick na awayin ng mga fans ng AlDub.
May nagsabi din na pareho lang daw sila, kasi si Alden daw ang kasama sa araw ng mga puso ay si Louise Delos Reyes. Hindi naman yan siguro sila gagawa ng ikakasira nilang dalawa ang makipag-relasyon sa iba, habang sikat pa silang pareho. Speaking of Derrick, wala daw silang relasyon, hindi naman talaga umaamin ang sa mga showbiz world. Kasi kung meron man, baka ginagamit niya lang si Maine para sumikat at panoorin ang kanyang teleserye. Di kaya lumapit-lapit lang si Derrick para mapag-usapan din siya. Tingnan na lang natin, lalabas din yan kung ano nga talaga ang totoo.