Multi Awarded Actor Jiro Manio Palaboy laboy sa NAIA Airport Terminal 3
Nagulat ang lahat at iba't ibang haka haka ang namuo sa dating child star actor na si Jiro Katakura (real name) o kilala sa pangalan na Jiro Manio, 23 years old na di umano'y umalis sa kanilang bahay na walang paalam kung saan pupunta.
Ayon kay Jennifer Dyan Manio Enaje , umalis sa kanilang bahay ang aktor ng sabado ng gabi at hindi na nila ito nakita ulit. Naekwento ni Jennifer ng nasa kanila ang dating aktor tinanong niya kung bakit malungkot ang binata, ngunit hindi man lang daw ito umimik. Hula ni Jennifer meron itong severe depression. Gustuhin man daw nilang dalhin sa ospital ito ngunit wala silang sapat na pera.
Marami ang nasorpresa ng malaman na ang dating best actor ay apat na araw ng pagala gala sa airport terminal kung saan may putik putik ang damit at gusgusin ang hitsura nito. Ayon sa gwardiya ng NAIA 3, nakilala niya agad ang aktor at unang kita palang nito ay halata ng hindi nakakakain ng maayos at madumi ang kasuotan.
Ang mga empleyado ng paliparan ay nag ambag-ambag ng pera para pambili ng pagkain at damit nito. Ayon sa mga empleyado nagulat si Jiro Manio na ganun na lang ang malasakit ng mga sa kanya at naging sentro siya ng mga tao na nandoon. Nang tanungin daw nila si Jiro kung artista ito, ang sagot sa kanila ay hindi. Nang tinanung daw ng gwardiya si Jiro kung bakit siya lumayas sa kanilang bahay ang sagot daw nito sa kanya ay may kaaway siya sa kanila at takot siyang lumabas ng paliparan dahil baka saktan lang siya ng mga ito. Ngunit ng tinanong niya ulit ito nag-iba na ang sagot sa kanya. Hinala ng mga empleyado ng airport sa terminal 3 ang binata ay mentally unstable.
Hanggang ngayon wala pang nakakapagsabi kung bakit ilang araw na namamalagi ang aktor sa nasabing paliparan.
Ayon sa pamilya ng binata papunta na din daw sila ngayong gabi (June 30, 2015) upang kunin ang binata. Nananawagan din ang mga reporter sa mga artista na tulungan pinansyal ang binata dahil sa kaawa awa nitong sitwasyon ngayon.