Nahagip ng isang pampasaherong bus ang 10 anyos na bata, habang naglalakad ito sa terminal sa Navotas City. Dead on Arrival ang nasabing biktima, matapos ang tinamong pinsala na nadurog ang kanyang ulo.
Naharap sa kaso ang driver. Ayon sa imbestigasyon kararating lang ng pampasaherong bus at hindi napansin ng suspek na ang bata ay naglalakad kasama sa likod ng kanyang ina. Kaya nahagip ang biktima at nagulungan pa ng sasakyan ang ulo na sanhi ng pagkamatay ng biktima.
Agad naman sumuko ang suspek.