Pang-Agap sa Stroke: Agarang pangiwas sa Sakit sa puso

Medical Team
is a Medical expert in United States

May mga halamang gamot o pagkain na maaaring maagapan ang pagkaroon ng stroke o sakit sa puso. Ayon sa mga eksperto, ang mga pagkaing nakakatulong sa atin na maiwasan ang sakit sa puso ay mga pagkain ring nakakatulong satin makaiwas sa stroke.

Tuturuan namin sa videong ito mga pagkaing pampaiwas ng stroke.
 
Narito ang iilang mga pagkain at halamang gamot na nagpapatibay ng puso at pampaiwas ng stroke:
 
Celery o Kintsay
Matagal ng ginagait ang celery o Kintsay sa Tsina sa pagpapababa ng altapresyon at maiwasan ang stroke. Sa iilang pagaaral nakikitang may epekto ang celery sa pag-control ng blood pressure.
Isang diuretic o nakaka-ihi ang celery kaya’t nakakatulong ito tanggaling ang mga asin sa ating katawan. Dahil dito, nakakatulong ito pababain ang blood pressure.
Maaaring kumain ng mga 4 na tangkay ng celery sa isang araw. Maaaring katasin ang buong celery at gawing juice o pwede ring kainin ang mga celery seeds.
 
Saging o bananas –Mayaman ang banana sa potassium, isang mineral na importante sa pagcontrol ng high blood, ang pinakunang sanhi ng stroke. Sa katunayan, ang isang saging ay naglalaman ng mga 400 milligrams ng potassium.
 
Suso o Snail -
Kinakain ang suso noong sinaunang panahon pa, panlaban sa mga sakit.  At sa ibang bansa, tulad ng France at Germany, ang suso ay isang delicacy o pambihirang mamahaling pagkain.
 
Mayaman sa Vitamin A ang Suso na tumutulong sa ating immune system para labanan ang mga sakit at dumami ang mga cells sa katawan. Mayaman din sa Omega-3 fatty acids ang mga suso. Mabuti sa puso ang omega-3 panlaban sa sakit sa puso.
 
Babala: Wag kakain ng hilaw na suso, dahil maaaring magkaroon ng rat lungworm disease. Lutuin ng mabuti ang snail bago kainin.
 
Iwasan din iluto ang suso sa maraming mantika o butter. Kaunti lang fats ng snail, pero pag linuto mo sa mamantika na sauce, masisipsip ang mantika at makakain mo ito, at hindi maganda ito sa iyong puso.
 
Tuna
Kilala ang isda, lalo na ang tuna, sa pagkakaroon ng maraming Omega-3 fatty acids.
Pwera sa nakakatulong sa tsansang magkaroon ng sakit sa puso, ang Omega-3 ay nakakababa rin ng blood pressure, at nababawasan rin ang tsansang magbara ang dugo sa puso.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.