Panlaban sa Dengue: Gamot pangiwas lamok

Medical Team
is a Medical expert in United States

Isa sa pinaka madaming kaso ng dengue sa mundo ang Pilipinas, dahil mahilig ang mga lamok sa maiinit na lugar. Kaya’t mahalagang malaman kung ano ang panlaban sa dengue, para maagapan. Importante rin malaman kung saan madalas namumugad ang mga dengue mosquito, para maiwasan ito.

May mga pagkakataong ang taong may sakit na dengue ay walang nararamdamang sintomas (asymptomatic). Ang iba naman ay nagkakaroon ng malumanay lamang na sintomas. Ngunit mayroon ding umaabot sa mas malalang kalagayan na minsan ay humahantong pa sa kamatayan o kilala sa tawag na Dengue Haemorrhagic Fever (DHF) o Dengue Shock Syndrome (DSS).
 
Kadalasan, ang unang mga senyales o signs na nararamdaman ng isang indibidwal na nahawaan ng sakit na ito ay ang mataas na lagnat, matinding pananakit ng ulo, katawan, at kasukasuan, pagsusuka, masakit ang likod ng mata, at mga pantal or mapupulang butlig sa balat.

Kapag walang tamang paggagamot, maaari itong lumubha. Kaya't mas mabuting maagapan ito. Kapag nakakaranas ng mga nasabing sintomas, agad-agad magpakonsulta sa doktor upang masuri kung ito nga ba ay dengue. Hindi napapasa ang sakit na ito sa kapwa tao, dahil ang dengue ay napapasa lang sa ibang tao sa pamamagitan ng lamok. Kaya pag kinagat ng lamok ang taong may dengue, maaaring maipasa ng lamok sa ibang taong kinagat niya. 
 
Sa kasalukuyan, wala pang gamot para sa dengue. Ang nagagamot lamang ay ang mga sintomas nito. Dahil diyan, mas mabuting iwasan ang mga lamok na nagpapasa ng Dengue.
 
Narito ang mga dapat gawin para maiwasan mamugad ang mga lamok sa loob at labas ng ating bahay:
 
Sabonan ang mga lalagyan ng tubig
Kung nag-iimbak man ng tubig sa mga balde na ginagamit sa pagdidilig o panghugas ng mga gamit, regular na linisan ang mga ito ng dalawa o tatlong beses sa isang linggo. Ihalo ang kutsara ng sabon sa bawat tabo ng tubig, at gamitin sa panlinis sa mga lalagyan. Kapag malinis ang mga ito, hindi ito magiging pugaran ng lamok.
 
Pamahid laban lamok
May mga pwedeng bilhing pamahid sa katawan na nakakataboy sa mga lamok na gustong dumapo sa ating balat. Pero dahil sa nagtitipid ka, imbis na bumili ng mamahaling mga anti-mosquito repellant o spray, maaaring gumamit lamang ng katas ng iilang halaman tulad ng suka at tanglad, ihalo ito sa tubig. Pagkatapos, ilagay ito sa mga mumurahing plastic bottle spray o di kaya sa mga lumang lalagyan na wala ng laman na bottle spray.
 
Magtapon ng mga Garapon
Alisin at itapon ang mga bagay na pwedeng pag-ipunan ng tubig. Nangingitlog ang mga lamok sa mga nakaimbak na tubig na hindi nagagalaw. Halimbawa nito ay ang mga garapon, lata, bote, lumang gulong, timba, paso, plorera, at baradong alulod. Putulin rin ang mga sanga o dahong makakapal na gustong tirahan ng mga lamok.
 
Iskrin sa Pintuan
Lagyan ng iskrin ang mga pintuan at mga bintana ng bahay. Mas mabuti na maliliit ang butas upang hindi madaling makapasok ang mga lamok sa loob. Panatalihin ring nakasara ang mga bintana’t pinto lalo na kung maraming lamok sa inyong mga bakuran.
 
Kulambo o Muskitero
Ang paglagay ng kulambo ay nakakatulong upang hindi tayo madapuan ng lamok habang tayo ay natutulog. Ito ay tulad ng iskrin na sa sobrang liit ng butas ay hindi makalusot ang lamok. Nabibili lang ito sa mga palengke at mall.
 
Hugasan ang kinakainan ng hayop
Kapag kayo ay may alagang hayop tulad ng aso at pusa, huwag hayaang may tirang pagkain sa kanilang plato na hindi naubos. Hugasan ang plato ng alagang hayop pagkatapos nitong kumain. Dahil ang maduduming lalagyan at nabubulok na pagkain ay possible ring pagpugaran ng mga lamok.
 
Panatilihing malinis ang paligid
Napakahalaga na mapanatiling malinis ang ating paligid upang sugpuin ang pagadami ng lamok, dahil mahilig mamugad ang mga ito sa mga makalat at maduduming lugar, dahil proteksyon nila ito sa hangin.

References / Sources:
Undurraga, E. A., Edillo, F. E., Erasmo, J., Alera, M., Yoon, I. K., Largo, F. M., & Shepard, D. S. (2017). Disease Burden of Dengue in the Philippines: Adjusting for Underreporting by Comparing Active and Passive Dengue Surveillance in Punta Princesa, Cebu City. The American journal of tropical medicine and hygiene, 96(4), 887–898. https://doi.org/10.4269/ajtmh.16-0488

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.