Gamot na Panlusaw sa Kidney: Ano panlinis at pang-flush ng dumi sa Bato o Kidney stones?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Kapag hindi gumagana ng maayos ang ating kidney, naiipon ang dumi sa loob. Nakakaapekto ito sa atay at ibang parte ng katawan, kaya’t pakiramdam natin ay pagod, masakit ang ulo o malaki ang tiyan.

Nakakatulong ang paglinis ng kidney sa pagproseso ng kinakain natin at pagsipsip ng mga nutrisyon nito, para di mawalan ng lakas o manghina. Nakakatulong din ang pagbanlaw o paglinis ng kidney para maiwasan na magkaroon ng impeksiyon at sakit sa pantog. Makakatulong din ang paglinis ng ating bato sa pagkakaroon ng kidney stones at para maiwasan mga tumutubo sa balat tulad ng pantal, rashes o tagyawat.
 
Narito ang iilang mga natural na gamot na panlinis ng bato o kidney:
 
1.     Pakwan – Nakaka-ihi ang pakwan o watermelon. Matubig ang pakwan kaya’t nakakalinis ito ng bato. Mayaman din ito sa lycopene, na nakakabuti sa kalusugan ng puso at maayos na pagandar ng kidney. Nakakatulong din ang watermelon na maiwasan ang pagbuo ng bato sa kidney. Sa katunayan, mabuti sa kalusugan ng kidney ang pagkain ng pakwan.
 
2.     Calamansi o lemon juice - Nakakabawas ng pagka-acid sa ihi ang lemon juice, kaya’t napipigilan magbuo ng mga kidney stones. Nakakasala din ng dumi sa dugo ang lemon o calamansi juice. Ang paginom ng tubig na may lemon juice ay makakatulong maiwasan mamuo ang bato sa kidney at nakakatunaw din ng mga namumuo na bato.
 
3.     Apple cider vinegar – Nabibili ang Apple cider vinegar sa mga supermarket at groceries. Pinapatibay ng apple cider vinegar ang kidney o bato.  Nakakatulong din nito pababain ang blood sugar, at blood pressure. Dagdag pa rito, mayroong citric acid ang apple cider vinegar na nakakatunaw ng kidney stones. Nakakalinis ng bato ang madalas na paginom ng apple cider vinegar. Maaaring ihalo ang 2 kutsarang apple cider vinegar sa isang basong tubig at unti-unting inumin sa loob ng isang araw. Maaari rin ihalo ng diretso ang apple cider vinegar sa salad.
 
4.     Basil – Isang diuretic o nakaka-ihi ang dahon ng balanoy o basil leaves. Nakakatanggal din ito ng kidney stones. Nakakabawas din ng uric acid sa dugo ang basil, kaya’t mabuti ito sa ating kidney. Maaaring ihalo ang dahon ng balanoy sa mainit na tsaa.
 
5.     Tubig - Mahalaga ang paginom ng maraming tubig para maiwasan ang pagbuo ng kidney stones. Nakakapagpalabnaw ng mga namumuong bato sa ihi ang paginom ng tubig. Ngunit hindi nangangahulugan na nakakatulong ang lahat ng klaseng inumin. Halimbawa, ang softdrinks o soda ay maaaring makasanhi ng pagbuo ng kidney stones.
 
6.     Bawasan ang Asin o Maaalat na pagkain - Kapag maraming asin ang napapasok sa katawan, nakakasanhi ito ng pagbuo ng kidney stones. Limitahan ang paglagay ng asin sa pagkain at iwasan ang maaalat na pagkain.
 
Babala:
Maaaring gumamit ng mga natural na gamot bilang supplement o pandagdag sa gamot na rineseta ng doctor. Ngunit wag gamutin ang sarili, lalo na kapag di mo alam ang iyong sakit. Pumunta muna sa doctor upang matiyak kung ano ang iyong karamdaman at ang lunas dito.
Mahalagang magpatingin sa doctor kapag mayroong kidney infection. Kapag di nagamot o naagapan, maaari itong lumala o magkaroon ng pinsala pangmatagalan. Nakakamatay ang kidney infection, kaya’t magpatingin kaagad sa doctor kapag may nararamdaman. 

Sources

Ansari, A., Singh, S., Khinchi, M., Shama, P., & Mahaver, M. (2017). A Brief Review On: Kidney Stone. Asian Journal of Pharmaceutical Research and Development5(2), 1-9. Retrieved from http://www.ajprd.com/index.php/journal/article/view/333

Icer MA, Gezmen-Karadag M. The potential effects of dietary food and beverage intakes on the risk of kidney stone formation. Rev Nutr. 2019;32:e190029. http://dx.doi.org/10.1590/1678-9865201932e190029

Singh, K., Purohit, D., Sai Ramya, G.L. In Vitro Studies on Synergistic Effects of Limonia Acidissima And Apple Cider Vinegar on AntiUrolithiatic Activity. International Journal of Pharmacy and Biological Sciences.

 

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.