Passport problem

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Good afternoon po ask ko lang po tungkol sa problema na aking kaibigan.ang kanyang kapatid po ginamit name niya para kumuha nang passport at mag trabaho sa ibang bansa ngayon po naka uwi na kapatid niya at gusto nang kaibigan Kong kumuha nang passport kaso Hindi niya po alam Gagawin kasi nga po ginamit nang kapatid niya name niya. Ano pong dapat gawin nang kaibigan ko.kailangan niya pong makakuha nang passport kasi kailangan makahanap siya trabaho sa ibang bansa lalong lalong na ngayon ang kanilang ina ay stage 3 breast cancer. Natatakot po kaibigan ko baka makulong kapatid niya baka ano pa mangyari sa ina nila. Maraming salamat po. Sana po matulongan Niyo kaibigan ko.


 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Naku, malamang sa makulong talaga ang kapatid niya. Kasi ngayon, online na ang mga application ng passport. Digital na ang mga photo. so, makikita na ibang litrato ang ginamit sa application sa passport at hindi ka-match ng pangalan ang litrato.

Ang kapatid niya ay nag-falsify ng public document. Ngayon, kung wala namang maghahabla, hindi naman ito maisasampa. Kailan ba mag-e-expire ang passport ng kapatid niya? Kailangan hintayin niyang mag-expire iyon, at ipa-renew niya, o kaya, ipa-declare niya na lost. At mag-apply siya ng bago.

I'm sorry, hindi kasi kumpleto naman ang mga facts na iyong ibinigay. Wala naman akong nakitang documento so hindi ko talaga masagot ang tanong mo. Pero, falsification of public document ang gamiting ang pangalan ng iba at mag-apply ng passport sa ilalim ng pangalan ng iba.
Maria Bangga
is a N/a in the Philippines
Hi po atty.Bimbi maraming salamat po sa reply nyo sa akin.ang passport po ay mag e expire sa August 14 2020 pa po.kung ipa declare na lost passport po yung kaibigan ko na po ba ang mag aaply nang bago? Married na po kasi ang kaibigan ko atty ang dadalhin niya pong last name ay married name. Makakasuhan pa po ba ang kapatid nang kaibigan ko sa pag falsify nang documents hindi naman po magrereklamo kaibigan ko laban sa kapatid niya.
Sinabihan kasi nang fixer ang kapatid nang kaibigan ko na walang problema kung gagamitin niya pangalan nang kaibigan ko kasi may problema daw po sa birth certificate at I'd nang kapatid nang kaibigan ko po Hindi kasi nakapagtapos nang elementarya kapatid niya po atty.
Maraming salamat po atty. Bimbi
God bless you po
Maria Bangga
is a N/a in the Philippines
Hi po atty.magandang hapon po atty. Kung e declare lost passport po nang kaibigan ko since yung passport po ma e expire by August 2020 pa po pwede po bang married name ang gamitin nang kaibigan ko lahat kasi nang I.d nang kaibigan ko po na changed na po into married name. Hindi po ba siya tatanungin nang officer incase married name ang dadalhin nang kaibigan ko kasi September 2013 kinasal kaibigan ko po ang kapatid niya that time still working as OFW po.
Thank you po atty. Bimbi

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.