Mawawalan ba ng karapatan ang ama ng aking anak kapag hindi nagsusustento?

Grace Ann Nicanor
is in the Philippines

Makakasuhan at mawawalan na po ba ng karapatan sa anak ko ang tatay nya sa dahilang di na pag bibigay ng sustento sa bata na mahigit pitong taon na? Nag hiwalay po kasi kami ng tatay ng anak ko nung almost 4 months old palang ang bata  at di po kami kasal.

Sa kadahilanang ng madalas nyang pambubugbog sa akin at sa anak namin sa tuwing nakakainom oh minsang matino siya, madalas din po ang tatay ko ang ng bibigay ng sustento dahil may trabaho nga siya pero kulang naman para sa alak at sugal nya, kahit nung nanganak rin po ako tatay ko po ang gumastos at binigyan pa siya ng pera pang puhunan nya para sa negosyo nya ngunit di nya naman po ng bibigay samin magina kahit pambili ng diaper ng bata,

Madalas din hong nauwi ng lasing at pinupwersa nya sarili nya sakin kahit sabihin ko ayaw ko. Kaya po madalas din po ako sa kapit bahay ng iintay na dumating ang tatay ko sa twing umuuwi ng tanghali ang tatay ng anak ko.

Alam din ho ng magulang nya ang dahilan ng paghihiwalay namin at nangako po na mg bibigay ng sustento kaso po hanggang ngaun mag pipito na po ang anak ko wala pa po ung pangako nila, ni wala po kaming contact at di ko na rin po alam kung nasaan na sila. Ni bumisita man lang sa bata wala, kaya po ako ng tatanong kung makakasuhan po ba siya at mawawalan na po ba siya ng karapatan?

Maraming salamat po at sana po ay mabigyan nyo po ng linaw ang aking mga katanungan.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Puede naman na magsampa ka ng habla laban sa ama ng anak mo. Ang hindi pagsusustento sa anak ay isang form ng child abuse. Bukod dito, puede din namang humingi ka ng Order mula sa husgado na magpadala siya ng sustento. Kung talagang hindi siya magbibigay ng sustento ng wala namang mainam na dahilan, puede mo din namang hilingin sa husgado na dahil sa kawalan niya ng interes sa kanyang obligasyon bilang ama sa kaniyang anak, tanggalan na lamang siya ng parental rights.
Kung wala siyang hanap-buhay, o kung ang suweldo o kita niya ay hindi pa sapat para sa kanyang survival needs, kung siya'y may sakit o may kapansanan hindi naman siya mapipilit ng husgado na magbigay ng sustento. Ang basehan ng sustento ay ang kakayanan ng taong magbigay nito. So, kailangan ng proof.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.