Kasi yong pamangkin ko po mga 2 months pa lang po sya noon (year 2004), inuwi na ng tatay nya (my brother) at ng mama ko sa probinsya. Pumayag din kasi ang mama nya noon nong maliit pa lang ang pamangkin ko.
Ang alam nya po ay ako ang mama nya kasi yon ang sinasabi ng mga magulang ko sa kanya. Pero nong nagkaisip na at marunong ng umintindi sa mga bagay bagay eh sinabi din nila kung sino talaga ang mama nya. Last 2011 namatay yong brother ko na papa nya kaya kasama nya sa amin ngayon mga magulang ko nalang at isa kong kapatid.
Ngayon po andito po ako sa Spain at Spanish citizen narin po. Gusto ko po syang ampunin para madala ko sya dito. Pano po ba ang proseso tsaka kelangan pa po ba pirma ng mama nya sa adoption papers? Wala na po kasi kaming contact sa kanya simula nong inuwi yong bata..thank you po and looking forward na masagot po mga katanungan ko. God Bless You Atty