Pwede po bang may tb ang isang tao na wala naman syang naramdaman ni isa sa mga

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Pwede po bang may tb ang isang tao na wala naman syang naramdaman ni isa sa mga sintomas ng taong may tb?


 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Menchie Barlan
is a Pharmacist in Australia
Ang tuberculosis ay isang impeksyon na sanhi ng bakterya na nabubuhay sa bahagi ng katawan kung saan mayaman sa dugo at oxygen.
Karaniwang sintomas ng TB o tuberculosis ay ang mga sumusunod:
1) Matagal na ubo na may kasamang plema kung minsan ay dugo na hindi nawawala sa loob ng dalawa o tatlong linggo.
2) Mabilis na pagkahapo o pagkapagod at biglaang pagbawas ng timbang.
3) Pagkakaroon ng lagnat.
4) Pamamaga sa leeg.
5) Mahirap huminga at masakit na dibdib.

Ang mga sintomas ng TB ay maaaring lumabas unti unti at posibleng hindi lahat ng nasaad na dito ay maranasan. Ang sintomas ay maaaring magiba depende kung saang parte ng katawan ang apektado. May dalawang uri ng TB na tinatawag na LATENT TB at ACTIVE TB. Ang latent tb ay ang pagkakaroon ng bakterya sa katawan subalit ang iyong immune system ay nakikipaglaban sa mikrobyo. Nangangahulugan na walang sintomas na makikita at ito’y hindi nakakahawa. Ang latent tb ay maaaring mauwi sa active tb. Ang active tb ay ang pagkakaroon ng aktibong tuberculosis na nangangahulugan na ang mikrobyo ay dumadami na nagiging sanhi ng paglitaw ng mga sintomas. Kung ang iyong baga ay apektado, maaari kang makahawa sa sinuman na iyong makahalubilo.
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.