Sakit na nakukuha sa Usok ng pagsiga ng kahoy

Medical Team
is a Medical expert in United States

Nakagawian na ng maraming pinoy, lalo na sa probinsya, ang pagsisiga ng kahoy para panggatong sa pugon o lutuan. Ang iba naman ay nagsisiga sa kanilang bakuran para mabawasan mga dahon na nahuhulog sa mga puno o pantaboy sa lamok.
 
Ngunit marami rin di nakakaalam na nakakasama ang pagsisiga sa kalusugan, dahil may mga sobrang maliliit na dumi ito na nakakalason sa katawan. Ang katwiran nila: ‘Bakit sa probinsiya nagsisiga naman, at di naman namamatay mga tao?'

Ang di natin alam, unti-unti tayo naaapektuhan ng usok ng siga, at sa katagalan ang mga maliliit na dumi nito na di natin nakikita ay nakakasira ng ating kalusugan. Isa pa, sa probinsiya karaniwang malawak ang mga lugar at magkakalayo mga bahay, kaya maaaring di masyadong nalalanghap, kaya mas konti ang epekto, di tulad ng mga bahay na magkakalapit o magkadikit. Pero ganun pa man, may epekto pa rin ang pagamoy ng usok sa kalusugan.

Mahalagang malaman ito, di lang para sa sarili, kundi para narin masabihan ang mga kamaganak at kakilala. Di lang yan, nakakasira rin ng kalikasan ang pagsunog ng kahoy, dahil naglalabas ito ng carbon monoxide at methane, kaya’t nagkakaroon tayo ng climate change o nagiiba-iba ang panahon, na nagiging sanhi ng pagbaha at nakakamatay na init.
 
Narito mga sakit na nakukuha sa paglanghap ng siga ng kahoy sa katagalan:
 
Sakit sa Baga – Tulad ng chronic obstructive lung disease (COPD), chronic bronchitis, o lung cancer. Sa mga may asthma naman, nakakapagpalala ang usok ng siga.
 
Sakit sa mata – Nakaka-irita at nakakapula ng mata ang usok ng siga. Makakaramdam din ng paginit ng mata, paghapdi at pangangati. Maaaring lumuha din ang mata dahil sa iritasyon.
 
Heart attack – Nakakataas ng tsansang magka-atake sa puso ang paglanghap ng usok mula sa apoy o siga, lalo na sa mga may edad na. Dagdag pa rito, maaaring magka-bara sa daluyan ng dugo o magka-blood clot, na maaaring maging sanhi ng problema sa tibok ng puso.  
 
Di lang yan, nakakasama rin sa kalikasan ang pagsiga, o tinatawag na air pollution. Nakaka-apekto rin sa ating kalusugan ang air pollution at nakakasanhi ng pagbaha, pagiba ng klima at landslides.
 
Babala: Wag maglaro ng apoy. Patayin kaagad ang apoy para maiwasang magkasunog.

Sources/ References:

 

Bede-Ojimadu, O., & Orisakwe, O. E. (2020). Exposure to Wood Smoke and Associated Health Effects in Sub-Saharan Africa: A Systematic Review. Annals of global health86(1), 32. https://doi.org/10.5334/aogh.2725

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.