Signs na Maagang Magkaka-Menopause ang Babae

Medical Team
is a Medical expert in United States

Madaming babaeng natatakot na magka-menopause ng maaga, dahil baka raw mawalan na ng asim sa tingin ng lalake, o kaya ay maging tuyo’t na. Kaya’t mahalaga sa mga babae na malaman kung malapit na ba sila magka-menopause.
 
Karaniwan mga 45 to 55 years old naguumpisa ang menopause ng babae, ngunit may mga babae na maaga naguumpisa huminto ang regla, katulad ng mga babaeng wala pang kwarenta anyos. Ang tawag dito ay ‘Premature Menopause’. Kapag napansin mong di ka nagkaroon ng regla ng 3 buwan o mahigit, maaaring dumadaan ka na sa menopause, kahit na kung nasa 35 years old ka palang.
 
Pero di naman lahat nakakaranas kaagad nito. Madalas naguumpisa mag-menopause ang babae sa unti-unting pagwala o paghina ng regla. Kaya’t mahirap matukoy kung nagkaka-menopause na ba o baka nagka-irregular period lang.  Kung kaya’t may iba pang karaniwang sintomas na maaaring maransan ng babae na dapat pansinin, katulad ng:
-       Biglang paginit ng leeg at mukha
-       Pagpawis sa gabi
-       Panunuyo ng ari
-       Hirap makatulog
-       Pagkabalisa
-       Walang gana makipag-contact
-       Problema maka-pokus at pagiging makalimutin
-       Pabago-bago ng mood
-       Madalas nagkaka-UTI
 
Paano makakatiyak na nagka-menopause na?
Para makasiguro, mabuting magpatingin sa doctor o OB Gyne, para matiyak base sa iyong sintomas, history ng iyong pamilya, at blood tests, kung saan iche-check ang iyong hormone level.
 
Bakit maaga magka-menopause ang babae? Maaaring magka-menopause ng maaga kapag may problema sa matris. Maaaring nasa lahi nyo rin ito o kaya ay may auto-immune disease. Maaari ring magka-menopause ng maaga kapag madalas manigarilyo.
 
Ano mga lunas sa maagang menopause?
Ang karaniwang lunas ay rereseta ang doctor ng Hormone Replacement Therapy (HRT) o ‘combined contraceptive pill’, para makabawi sa kulang na hormones. Ang kagandahan ng HRT ay makakatulong ito sa pagpapaginhawa ng mga di kanais-nais na sintomas ng menopause, tulad ng pagiinit ng leeg, pagpapawis sa gabi, panunuyo ng ari at kawalan ng gana makipag-contact. Maaring makatulong rin ito sa pagiging marupok ng buto o osteoporosis. Ipapatuloy lang naman itong hormonal treatment hanggang umabot ng mga edad na 50 anyos, dahil ito ang kadalasang natural na edad kung kelan nagkaka-menopause. Ngunit di naaayon ang hormonal treatment kapag nagkaroon ng cancer, tulad ng breast cancer.
 
Mawawala na ba ng asim ang babae kapag maagang nagka-menopause? Kapag nagka-menopause ng maaga, maaaring pansamantalang mawalan ng gana makipag-contact, ngunit kadalasan nababawasan lang talaga ng contact ang lalake at babae, kapag umabot na sila ng edad na 60 o 70.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.