Signs of a Liar: Paano mahuli ang Sinungaling?

Buhay OFW Org
is a Company located in the Philippines

Kalahati daw ng mga kasinungalingan ay may palatandaan sa mga marurunong magmasid, base sa research ng Buhayofw.com. Narito ang top signs ng pagsisinungaling, na ginagamit ng mga pulis sa Amerika, base sa siyensiya:
 
1.     Malikot – Halimbawa, maaaring ginagalaw ang mga daliri, niyuyugyog ang kamay, o dinidilaan ang labi. Dahil pag kinakabahan ang tao, humihigpit ang daluyan ng dugo, kaya’t nawawalan ng dugo ang mga kamay at paa.
2.     Iniiksian ang kwento: Para maiwasan magkamali, madalas na iniiksian nalang ng salaysay ng nagsisinungaling, para pag tinanong sila ulit, mas mabilis nila matandaan ang kanilang nasabi. Isang paraan rin ito para may palusot sila pag nahuli sila, dahil pwede nilang idahilan na nakaligtaan lang nila ibanggit ang buong detalye.
3.     Masyadong kumplikadong mga kwento: Sa kabilang banda, maaaring magbigay ang sinungaling ng napakaraming detalye sa pagtatangkang gawing kapani-paniwala ang kanilang kuwento. Lalo na kapag nararamdaman ng nagsisinungaling na nagdududa na ang kanilang kausap, kaya’t napipilitan sila magbigay ng mga kumplikadong kwento para kumbinsihin ang kausap.
4.     Magkaiba ang galaw at salita – Halimbawa, pag ‘Oo’ ang sinabi, pero umiiling ang ulo, maaaring nagsisinungaling na sila sa kanilang buong kwento, kaya’t nagkakamali sila.
5.     Hindi pare-parehong pahayag: Ang mga sinungaling ay madalas nagbibigay ng magkasalungat na impormasyon o mga detalye na hindi tumutugma.
6.     Pagtakip na bibig o mata habang nagsasalita – Madalas hindi napapansin ng mga sinungaling na natatakip nila ang kanilang bibig o mata habang nagsisinungaling. Maaaring dahil ayaw nilang mahalata sa kanilang bibig na nagsisinungaling sila.
 
Pero walang iisang tiyak na paraan upang makita ang isang sinungaling, dahil may mga tao na maaaring bihasa na sa pagtatago ng katotohanan. Gayunpaman, ito ang ilang karaniwang mga palatandaan ng panlilinlang na ginagamit ng mga ekspertong FBI agents o mga pulis sa Amerika, upang mahuli ang mga kriminal.
 
Mahalagang tandaan rin na hindi palaging tama ang mga palatandaang ito, at maaaring magpakita ang tao ng mga senyales na ito, kahit sila ay di nagsisinungaling o hindi dahil para manlinlang.
Bukod pa rito, ang mga eksperto at sanay na sanay magsinungaling ay maaaring alam na may mga ganitong senyales, kaya’t iiwasan nila na ipakita ito, para di sila mahuli.

About the author

Buhay OFW Org

Ang layunin namin ay magbigay ng de-kalidad na edukasyon gamit ang wikang Filipino.
Profession: Organization
Buhay OFW
Office Address: Metro Manila
Philippines , Metro Manila

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.