Suporta ng nagtatrabahong anak sa Amang senior citizen

Philip Pines
is in the Philippines

Ako po ay may bayaw na isang senior citizen na may type 1 diabetes at wala na pong kabuhayan. May tinitirahan naman po siya at hiwalay na sa asawa. May pangangailangan siyang 6k pesos para sa maintenance niya.

May mga anak naman siyang nagtatrabaho sa abroad at Pilipinas. Ang kaso lang po, kailan lang sila inobligang magpadala ng suporta sa ama nila. May pagkakataon pa na kailangan pa niyang paalalahanan ang mga anak niya. May isa pa pong nagsabi na hindi obligasyon ng anak na suportahan ang magulang nila! Maari po bang mag-demand ang ama nila na suportahan siya na kundi man kasama ang pagkain ay kahit sa gamot na lang niya? Kung maari po, ano po ba ang dapat niyang gawin?

Maari naman po kaming sumuporta sa kanya pero may sarili rin naman kaming mga obligasyon po sa aming sariling pamilya. Maraming salamat po. Lubos na gumagalang.


 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Una po, ang support po ay talagang obligasyon ng magulang para sa mga anak sa ilalim ng batas. Wala po tayong batas na nagsasaad na kailangang suportahan ng mga anak ang kanilang mga magulang.

Tayo pong mga Pilipino, kultura po natin na suportahan ang ating mga magulang, pero ito ay ginagawa natin dahil sa ating kultura, palaki at sa sariling pananaw at kumbiksiyon na ito ang nararapat na pag-tanaw ng utang na loob sa magulang. Hindi po ito maipipilit sa ilalim ng batas (ibig po sabihin ay hindi kayo puedeng mag-habla laban sa mga anak).

Ngayon po, ang puede po ninyong gawin ay diskarte. Mag-xerox po kayo ng mga resibo sa gamot nila. Ito po ay ipadala sa mga anak. Kailangan din po, magbukas ng bank account (may mga banko po na P200 daan lamang ay may puede na silang account). Kahit $10 every month ang bawat isang anak, maghulog o magdeposito sa account noong matanda, okay na.

Ang problema po kasi minsan, ang mga anak, busy sa trabaho at sa pamilya nila. Mahirap sa kanila na magpadala ng pera (sa Western Union o sa iba pang remittance company) kung maliit lang din naman ang kanilang ipapadala, ay magbabayad pa sila para maipadala ito. Kung may bank account po ang senior, puedeng hulugan o depositohan ng mga anak niya ang account buwan-buwan, kahit maliit na halaga lamang.

Sa Office of Senior Citizens Affairs po, may programa po ang pamahalaan na 4Ps na naglalayong magbigay ng pera para sa mga senior. May libreng gamot na maintenance din sa mga health center. At, may libreng Philhealth card po ang mga senior. Kailangan din pong magpa-rehistro para magka-ID. Sa gayon, may magagamit sa oras ng pangangailangan.

Nagtrabaho po ba ang senior noong siya'y bata pa? Siya po ba ay miyembro ng SSS o Philhealth o Pag-ibig? Kasi po ay baka may mga benepisyo po siyang matatamo mula sa mga ahensiyang ito. Dapat po ay i-explore ang mga bagay na ito.

Ito po ang isang problema ng mga Pilipino, nagta-trabaho po sila, hindi nila iniisip na isang araw, tatanda din sila, magkaka-sakit. Kailangan po ay paghandaan ang mga bagay-bagay na ito. Good luck po.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.