TALBOS NG KAMOTE NAKAKAKONTROL NG TALBOS KAMOTE PANGONTRA SA DIABETES at IWAS CANCER

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Ang talbos ng kamote ay hindi lamang masustansya, kundi mayroon din itong iba't ibang benepisyo sa kalusugan. Narito ang ilan sa mga benepisyo na nakukuha sa talbos ng kamote:
1. Panlaban sa Cancer - Mayaman sa bitamina A, C, E, K, at B, meron din B6 at B9 o folic acid kung saan nakakatulong sa pag-iwas sa cancer.


2. Pampatibay ng buto - Ito rin ay naglalaman ng calcium, iron, magnesium, at potassium.

3. Pang-Iwas at panlaban sa Sakit - Ang talbos ng kamote ay naglalaman ng mga antioxidant tulad ng beta-carotene, lutein, at zeaxanthin na maaaring makatulong sa pangangalaga ng katawan mula sa mga malalang sakit at may kakayahang labanan ang mga free radicals sa katawan.

4. Nakakapagpalakas ng immune system - Ang mataas na antas ng bitamina C sa talbos ng kamote ay maaaring tumulong sa pagpapalakas ng immune system at panlaban sa mga impeksyon.

5. Nakakatulong sa mga taong may diabetes -  Ang talbos ng kamote ay may mababang glycemic index, kung saan ang mga pagkain na may mababang glycemic index ay maaaring makatulong sa pagkontrol ng blood sugar levels. Ito rin ay naglalaman ng dietary fiber na maaaring magpabagal ng pag-angat ng blood sugar levels matapos kumain.

6. Nakakatulong sa pagpapababa ng presyon ng dugo - Ang talbos ng kamote ay may mataas na antas ng potassium, isang mineral na maaaring makatulong sa pagpapababa ng presyon ng dugo.

7.  Nakakatulong sa panunaw o digestive health -  Ang talbos ng kamote ay mayroong mga dietary fiber na maaaring makatulong sa regular na pagdumi at pagpapabuti ng kalusugan ng gastrointestinal.

Paano ihanda ang talbos ng kamote? Mula sa tangkay, gupitin o tanggalin ang dahon lamang. Hugasan ang dahon ng mabuti. Pakuluan ito ng 30 segundo sa katamtamang apoy. Pagkatapos ay salain at patuluin ng mabuti. Kung gusto mong manatili ang freshess ng dahon, ibabad sa malamig na tubig ng mga 30segundo. Pagkatapos ay salain ulit ng mabuti.
Para masarap ang kain, lagyan ng kaunti asin, calamansi, sibuyas at kamatis. May iba naman na mahilig sa bagoong, kaya nilalagyan nila ito ng kaunti, kasama ang kalamansi.
Maigi din wag itapon ang pinakuluan tubig ng talbos bagkus gawin itong juice, dahil marami din itong benepisyo sa katawan.
Ito ay ilan lamang sa mga benepisyo ng talbos ng kamote. Gayunpaman, bago simulan ang anumang pagbabago sa inyong diyeta, mabuting kumunsulta sa inyong doktor kung ligtas ba kumain ng talbos ng kamote lalo na kung umiinom ng gamot pang-maintenance.


About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.