Traydor na Sakit sa mga Lalake

Medical Team
is a Medical expert in United States

Base sa pagaaaral, mas maraming lalake ang namamatay sa mga malulubhang sakit kesa sa mga babae, pero mga lalake pa kadalasan ang ayaw magpatingin sa doktor.
 
Napakamahalagang malaman ang mga traydor na sakit, upang maagapan at mabuhay ng mahaba.
 
Narito mga tahimik at tusong sakit sa mga lalake na nakakamatay pag hindi naagapan:


Pagumbok ng daluyan ng dugo sa tiyan o Abdominal Aortic Aneurysm

Ang pagmaga daluyan ng dugo o blood vessel sa bandang tiyan ay mapanganib dahil maaaring pumutok ang blood vessel at mabuo ang dugo sa loob, kapag di naagapan. Mas madalas ito mangyari sa mga lalake, lalo na kapag may high blood pressure, mataas ang kolesterol o naninigarilyo. Iilang sintomas ng abdominal aortic anuerysm ay ang pagkahilo, pawisin,  mabilis na pagtibok ng puso at biglang pananakit ng tiyan, likod at paa.
Nasusuri ang abdominal aortic aneurysm sa pamamagitan ng ultrasound , MRI o CT scan
 
Prostate Cancer
Base sa DOH, pangatlo sa sanhi ng pagkamatay sa cancer ang prostate cancer. Ang mga lalake lang ang may prostate, na gumagawa ng semilya, kaya’t lalake lang nagkakaroon nito. Kasama sa sintomas ng prostate cancer ang hirap sa pagihi, paghina ng daloy ng ihi, dugo sa ihi o tamod, hirap tigasan, pananakit ng buto at walang dahilang pagbawas ng timbang.
 
Type 2 Diabetes
Marami sa Pilipinas ang di alam na may type 2 diabetes o pre-diabetes na pala sila. Pag di nakontrol ito, maaaring magdulot ng sakit sa puso, stroke, sakit sa bato, pagkabulag, at hirap tigasan.
Mahalagang magpa-blood sugar test, kapag may lahing may diabetes, may katabaan, may altapresyon at lagpas na sa 45 anyos ang edad.
 
Colorectal cancer
Maraming di nakakaalam na ang colorectal cancer, o ang cancer sa may malaking bituka at tumbong o rectum, ang pangatlong pinakakaraniwang cancer sa Pilipinas. Lalo na kapag mahigit 50 anyos ka na, mahalagang magpa-diagnostic exam sa doktor, upang makasiguro o maagapan.
 
Sakit sa puso
Ang sakit sa puso ang numero unong sanhi ng pagkamatay noong taong 2021. Napakabagsik ng heart disease dahil halos konti lang sintomas sa umpisa. Kaya’t mahalagang magpa-test ng blood pressure at cholesterol level. Mga unang sintomas din ng may sakit sa puso ang mga sumusunod: pananakit ng dibdib, hirap huminga, at pagmamanhid ng paa o kamay.
 
Mas maiiwasan ang mga traydor na sakit na ito kapag may pagbabago sa maling nakasanayan, tulad ng pagkain ng tama o masustansyang pagkain, pagiwas sa mga bisyo, at pagpatingin sa doktor taon taon.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.