Wag maingay: Bakit nakakasama ang ingay sa kalusugan? Epekto kaya bingi o mahina pandinig

Medical Team
is a Medical expert in United States

Maraming nagaakala na ang air pollution o water pollution lang ang nakakasama sa kalusugan. Di alam ng marami na meron rin pala tinatawag na noise pollution o ingay na nakakasama sa kalusugan.
Kaya’t maraming pinoy ang mahilig magpatugtog ng malakas, kahit na umaabot pa ang tunog sa kapit bahay. Meron ding ingay mula sa mga sasakyan, tren, sa mga ginagawang construction, o mga makina sa pabrika. Sa umpisa, mukang ok lang, at wala ka naman nararamdaman. Pero sa katagalan, may epekto ang malakas na tugtog sa ating kalusugan.

Narito ang mga masamang dulot ng ingay sa ating kalusugan, base sa mga eksperto:
 
1.     High Blood pressure - Sa nakalipas ng mga taon, napagalaman ng mga scientists at doktor na di lang nakakasira ng pandinig ang malakas na sounds o tugtog, kundi nakakataas rin daw ito ng blood pressure, na nakakasanhi ng altapresyon.
2.     Sakit sa puso – Napagalaman ng ilang pagaaral na nakakasama ang ingay sa puso. Halimbawa, kapag matagal naririnig ang ingay, tumataas ang tsansang magka-stroke, heart failure o coronary heart disease. 
3.     Problema sa panunaw – Base sa ilang pagaaral, ang mga manggagawa na nagtratrabaho sa maiingay na kapaligiran ay madalas sinisikmura o nasusuka at madalas nagkaproblema sa panunaw tulad ng gastritis o ulcer
4.     Sakit sa pagiisip o Mental health - Maraming di alam na ang madalas na ingay ay nakakadulot ng nerbiyos at stress. Nakakasira rin ito ng tulog, kaya’t maaaring makaranas ng hirap makatulog, pagising-gising at putol putol na tulog.
5.     Sakit sa tenga – Di lang nakakasira ng pandinig ang malakas na ingay, kundi nakakabingi rin kapag madalas o sunod-sunod nakakarinig ng ingay. Iilan sa sakit na nadudulot ng malakas na tugtog sa tenga ang:
a.     Tinnitus o may naririnig na matinis na ugong o pag-ring sa tenga na ikaw lang nakakarinig
b.     Paracusis (para-kyu-sis) o humihina ang pandinig.
c.     Maaaring makasanhi din ng permanenteng pagkawala ng pandinig ang malakas na tugtog.
6.     Sakit sa mga bata – Sa mga bata, di lang nakakasira ang malakas na tugtog sa pandinig, kundi maaaring makasira rin sa paglaki at pagkatao o personalidad nila, tulad ng mabilis mawalan ng konsentrasyon, hirap magsalita o ilabas ang kanilang saloobin, at mabagal matuto.
 
Paano mababawasan ang noise pollution?
-       Bawasan ang volume ng mga appliances tulad ng TV, cellphone, at speaker. Pag maliit lang bahay, wag bumili ng masyadong malaking speaker.
-       Kapag masyadong maingay ang kapit-bahay, subukang kausapin sila, o kaya ay i-sound proof ang kwarto, sa pamamagitan ng insulation tulad ng kurtina at takpan mga butas sa pader.
-       Kapag di maiwasan pa ang ingay, maaaring gumamit ng proteksyon sa tenga tulad ng earplugs, para mabawasan man lang ang ingay.
 
Importante rin na marunong tayo magkaroon ng konsiderasyon sa kapwa. Kung may gustong pakinggan na music, maaari naman gumamit ng earphones, upang di makaabala. Mas mabilis umunlad ang lipunan kung mayroon tayong konsiderasyon sa isa’t isa.
 
Sources:
Oguntunde, Pelumi E et al. “A Study of Noise Pollution Measurements and Possible Effects on Public Health in Ota Metropolis, Nigeria.” Open access Macedonian journal of medical sciences vol. 7,8 1391-1395. 29 Apr. 2019, doi:10.3889/oamjms.2019.234
 
Passchier-Vermeer, W, and W F Passchier. “Noise exposure and public health.” Environmental health perspectives vol. 108 Suppl 1,Suppl 1 (2000): 123-31. doi:10.1289/ehp.00108s1123
Andrén L. Cardiovascular effects of noise. Acta Med Scand Suppl. 1982;657:1-45. PMID: 6124083.
 
Viet, Susan Marie et al. “Assessment of Noise Exposure to Children: Considerations for the National Children's Study.” Journal of pregnancy and child health vol. 1,1 (2014): 105. doi:10.4172/2376-127X.1000105
 
Castle, James-S et al. “Environmental noise alters gastric myoelectrical activity: Effect of age.” World journal of gastroenterology vol. 13,3 (2007): 403-7. doi:10.3748/wjg.v13.i3.403
 
van Kempen, Elise E M M et al. “The association between noise exposure and blood pressure and ischemic heart disease: a meta-analysis.” Environmental health perspectives vol. 110,3 (2002): 307-17. doi:10.1289/ehp.02110307
 
Hahad, Omar et al. “The Cardiovascular Effects of Noise.” Deutsches Arzteblatt international vol. 116,14 (2019): 245-250. doi:10.3238/arztebl.2019.0245

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.