Waning Signs na may Amoeba sa Tiyan o Amoebiasis Amebiasis

Medical Team
is a Medical expert in United States

Malimit ang amebiasis sa Pilipinas, na sakit sa bituka dulot ng amoeba.  Milyon-milyong katao ang nagkakasakit dahil dito at mahigit isang daang libo ang namamatay taon-taon.
Kadalasang nakukuha ang amoebiasis sa maduming tubig o pagkain. Ang impeksyon ay nagsisimula kapag nakakain o nakainom ng kontaminadong pagkain o tubig. Pagkapasok ng mga cysts sa katawan, kumakalat ito at napupunta sa ibang bahagi gaya ng atay, bituka at pati ang utak.
Marami sa mga taong nahawaan ng amebiasis ay hindi nakakaranas ng sintomas sa katawan. Dahil kadalasang banayad lang ang mga sintomas, tulad ng:
1.     Paggduduwal o ang di maipaliwanag na masamang pakiramdam sa tiyan kung saan gusto mong masuka pero walang lumalabas.
2.     Matubig at palagiang pagtatae na minsan ay may dugo
3.     Biglaang pagbaba ng timbang dahil sa madalas na pagtatae.
4.     Maya’t mayang lagnat dahil sa masamang pakiramdam.
5.     Pananakit ng tiyan

Kadalasang makakaramdam ng sintomas makaraan ng 2-3 na linggo, o higit pa. Upang makasiguro kung may amebiasis, kelangan magpa-stool test o pagsuri ng dumi ng pasyente.
May mga kaso din na ang amebiasis ay maaring manatili sa bituka na hindi nakadulot ng pinsala. Ngunit kung ang amoeba ay aabot na sa dugo, maari itong kumalat sa buong katawan at magdulot ng impeksyon sa atay.
Ang mga malubhang sintomas ng amebiasis ay lumilitaw kung ang maysakit ay mayroon nang impeksyon gaya ng mga sumusunod:
Ang Amoebic colitis ay ang pamamaga ng malaking bituka dahil sa amoeba. May mga pagkakataon na ang pamamaga ay lumalala at nagdudulot ng matinding pagtatae na mayroong dugo o tinatawag na ameobic dysentery. Nakakaranas din ng matinding lagnat at sakit sa tiyan ang taong may amoebic colitis.
Maari rin na ang amoeba ay pumasok sa daluyan ng dugo at umabot sa atay. Ito ay magdudulot ng nana at pamamaga ng atay, na tinatawag rin na Amoebic Liver Abscess. Ilan sa sintomas nito ay lagnat at panlalambot ng bahagi ng tiyan. Nagiging dilaw rin ang balat at puti ng mata at napapansin ang paglaki ng atay dahil sa sakit na ito [3].
Walang tiyak na panahon kung kailan lumilitaw ang sintomas ng amebiasis, maaring ito ay mararamdamam sa loob ng ilang araw, buwan, o kahit taon pa.
Maituturing man na isa sa mga pinakamabilis kumalat na sakit ang amebiasis, simple lang paraan upang maiwasan ito. Ilan sa mga paraan upang hindi makakuha nito ay ang pagpapanatili ng malinis na kapaligiran at kalinisan sa sarili. Kung may taong pinahihinalaang may amebiasis ay pinapayuhan na kumonsulta sa doktor upang maagapan ang paglala ng sitwasyon at maaring pagkalat nito. Ang maayos na paghuhugas ng kamay bago at pagkatapos kumain ay malaki ang naitutulong upang maiwasan ang amebiasis. Hinihikayat din ang mga taong bumiyahe galing sa mga lugar na may kaso ng amebiasis at iba pang sakit na dala ng kontaminadong tubig at maruming kapaligiran. Higit na mainam na uminom ng de-bote or pinakuluang tubig at iwasang kumain ng mga pagkaing binebenta sa kalsada [5]. 
 
[1]Calamba Medical Center. n.d. Amoebiasis. Retrieved from: https://cmc.ph/health-conditions/intestinal-amoebiasis/
[2] Department of Health. 2019. Food and Water-Borne Disease Prevention and Control Program (FWBD-PCP) Strategic Plan. Retrieved from https://doh.gov.ph/sites/default/files/publications/FWBD%20Strategic%20Plan%202019.pdf
[3]Jackson-Akers, J., and Prakash, V., and Oliver, T. 2022. Amebic Liver Abscess. Retrieved from: https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK430832/
[4] Mount Sinai. n.d. Amebiasis. Retrieved from https://www.mountsinai.org/health-library/diseases-conditions/amebiasis
[5] Pritt, B. S., & Clark, C. G. (2008). Amebiasis. Mayo Clinic proceedings, 83(10), 1154–1160. https://doi.org/10.4065/83.10.1154
[6] Rees, M. 2021. Amebiasis Explained. Retrieved from https://www.medicalnewstoday.com/articles/amebiasis
[7] Taherian, M., and Samankan, S., Cagir. B. 2022. Amebic Colitis. Retrieved from: https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK542237/
[8] Virginia Department of Health. n.d. Amebiasis Fact Sheet. Retrieved from: http://www.vdh.virginia.gov/epidemiology/epidemiology-fact-sheets/amebiasis/?pdf=862
[9] Warhurst, D. 2010. Amebic Infections. Retrieved from: https://www.sciencedirect.com/topics/medicine-and-dentistry/amoebic-liver-abscess
[10] Zulfiqar, H., Matthew, G., and Horall, S. 2022. Amebiasis. Retrieved from: https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK519535/

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.