Mga Anyo ng Panitikan
Una sa lahat, ano ang kahulugan ng Panitikan? Ang panitikan ay nagpapahayag ng kaisipan, damdamin, hangarin, karanasan at diwa ng tao sa pamamagitan ng pagsulat. Sa Ingles, ito ay tinatawag na Literature.
Narito ang mga iba't ibang anyo ng panitikan:
1. Tuluyan o Prosa (Prose) - ang paggamit ng mga salita sa isang pangungusap na walang kinakailangang pagtutugma o pagsukat (tumutukoy ito sa bilang ng mga pantig sa bawat taludtod; isa sa mga apat na elemento ng tula). Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.
Mga Klase ng Akdang Tuluyan:
a. Dula
b. Alamat
c. Talambuhay
d. Anekdota
e. Kwentong bayan
f. Pabula
g. Maikling Kwento
h. Nobela
i. Talumpati
j. Parabula
k. Balita
l. Sanaysay
2. Patula o panulaan (Poetry) - ang pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng pagsukat at pagtugma-tugma sa isang saknong. Ito ay isinusulat ng patula.
Mga Akdang Patula
a. Tulang Pasalaysay
Halimbawa o examples
~ Epiko
~ Awit at Korido
b. Tulang Pandamdamin o Liriko
Halimbawa o examples
~ Awiting Bayan
~ Soneto
~ Elehiya
~ Dalit
~ Pastoral
~ Oda
c. Tulang Padula o Pantanghalan
Halimbawa o examples
~ Senakulo
~ Moro-moro
~ Sarsuwela
~ Tibag
~ Panuluyan
~ Salubong
d. Tulang Patnigan
Hallimbawa o examples
~ Karagatan
~ Duplo
~ Balagtasan