Ano ang mga paboritong libangan ng mga Pilipino?

Steph Liora
is a Student in the Philippines

Nakalista sa ibaba ang mga paboritong libangan ng mga Pilipino:
 
1.      Basketball – Ang basketball ay pambansang sport ng Pilipinas at nauuso sa mga kabataan. Ginagamit nila ang sports na itong pagkakitaan o pampalipas oras.
2.      Karaoke o Videoke – Ang pagkanta ng karaoke ay isa sa mga pangunahing libangan ng mga Pilipino, lalo na sa mga kasiyahan at pagtitipon ng pamilya.
3.      Pagsayaw – Ang pagsasayaw ng mga modernong sayaw o mga tradisyonal na sayaw ng Pilipinas ay isa rin sa mga libangan ng mga Pilipino. Dito nila napapakita ang kanilang mga ekspresyon.
4.      Pamumuhay sa Beach – Ang pagbisita sa mga magagandang beach kagaya nalang ng Boracay at Palawan ay ginagawa ring libangan ng mga Pilipino para makapagpahinga.
5.      Pagkain – Kilala ang mga Pilipino na mahiig kumain, pagluluto ng mga lutuing Pilipino ay mahalaga sa kultura ng bansa.
6.      Laro sa mga kompyuter – Maraming mga Pilipino ang mahilig sa video games at online games.
7.      Libangan sa Labas – Mga outdoor activities gaya nalang ng hiking, biking, at camping atbp ay kinahihiligan din ng mga Pilipino.
8.      Pag-dalo ng mga Konsyerto – Maraming mga hinahangaang artista ang mga Pilipino, sa pamamagitan ng pagdalo sa mga konsyerto at live music events ng mga ito ay pagpapahiwatig nila ng pagsuporta sa mga artist.
9.      Paglalakbay – Kilala ang mga Pilipino sa pagiging gala, ang paglalakbay sa iba't ibang lugar sa Pilipinas at sa ibang bansa ang kasiyahan ng mga Pilipino.
10.  Pamumuhay sa Siyudad – Iba ang pamumuhay sa probinsya at siyudad, ang pamumuhay sa siyudad ay may kasamang mga libangan tulad ng shopping, dinner at pag-gala sa gabi.
11.  Pagsusuri ng mga Museo – Pagdalaw sa mga museo at art galleries para maipakita ang  pagpapahalaga sa sining at kultura ng Pilipinas.
12.  Libangan sa Panonood – Mahilig manood ng mga pelikula, teleserye, k-drama at mga sports events ang mga Pilipino.
13.  Pagsusuri at pag-aalaga ng Kalikasan – Pag-explore ng mga kalikasan at pagbisita sa mga natural na tanawin ay isa rin sa hilig na libangan ng mga Pilipino lalo na ang mga tinatawag ngayong “plantita” at “plantito” na nauso noong pandemya dahil ito ang naging pangunahing libangan nila noon.
14.  Pamumuhay sa Probinsya – mga libangan sa probinsya tulad ng paglalakad, pagpapahalaga sa kalikasan at paglanghap ng sariwang hangin ang karaniwang libangan sa mga probinsya.
15.  Pag-aalaga ng mga Alagang Hayop – kilala ang mga Pilipino sa pag-aalaga ng mga aso, pusa, at iba pang mga inaalagaang hayop.
16.  Paglalaro ng Traditional Filipino Games – Paglalaro ng mga tradisyonal na laro gaya nalang ng patintero, tumbang preso, at sipa ay karaniwang libangan ng mga Pilipino.
17.  Pag-aaral ng mga Bagong Kultura – Pag-aaral at pag-aappreciate ng mga bagong kultura at tradisyon hindi lang sa Pilipinas kundi pat isa ibang bansa ang kadalasang libangan ng ibang mga Pilipino dahil marami silang gusting malaman hindi lamang sa iisang bansa.
18.  Paglalakbay sa Kasaysayan – Pag-eexplore sa mga makasaysayang lugar gaya ng Intramuros at mga heritage sites ay ang kadalasang libangan din ng mga Pilipino.
19.  Panonood ng Palarong Pampalakasan – Pagsuporta sa mga palarong pampalakasan gaya nalang ng boxing, basketball, at volleyball ang isa rin sa paboritong libangan ng mga Pilipino. Minsan ay aabsent pa sila sa kanilang trabaho o paaralan para lamang sumuportang manood.
20.  Pag-aaral ng Wika – Pag-aaral at pagpapraktis ng iba't ibang wika, kasama ang Ingles at mga wika ng Pilipinas. Hindi lamang din sa Pilipinas ganon din sa ibang bansa para maintindihan nila ang iba pang wika.
 
 
Ang mga libangan na ito ay nagpapakita ng yaman at kaligayahan sa buhay ng mga Pilipino, at nagpapakita ng kahalagahan ng pamilya, komunidad, at pagkaka-ugnayan sa isa't isa.

About the author

Steph Liora

Profession: Student
Philippines

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.