1. Magsuot ng pang-ibabang loob na o kahit anong mga bagay na kulay pula dahil ito raw ay nagbibigay ng good luck.
2. Huwag daw magpapagupit ng buhok bago ang bored exam.
3. Mag-alay ng mga itlog na nabili sa labas ng simbahan sa St.Claire na mahahanap sa kahabaan ng Katipunan Avenue para raw matupad ang mga pangarap mo.
4. Magpatasa ng mga gagamiting lapis sa mga naka-top notcher na noon para makapasa ka o magka-top.
5. Bago mo raw gamitin ang mga gagamitin mo sa exam ay ipabasbas mo muna ito kay St. Jude Thaddeus. Marami ang nagsasabi na matalab daw ito.
6. Kapag nahulog o nabali ang lapis na ginagamit mo habang nageexam ay huwag mo na raw ito pupulutin o gamitin ulit, palitan mo nalang ng bago dahil malas daw ito.
7. Kapag tapos na magexam ay tadyakan ang inuupuan.
8. Maglagay daw ng barya sa loob ng sapatos para malaki ang tyansa mo na pumasa.
9. Pagkapasok mo ng testing room ay tapikin mo raw ang board o tinatawag na “TAP THE BOARD” dahil katunog daw nito ang “TOP THE BOARD”.
10. Kapag pumasok ka raw sa inyong silid ay kanang paa ang gamitin mo dahil gusto mong right ang gagawin mo at kapag lalabas naman ay left para iwan ang lahat sa past.
11. Kapag tapos ka nang mag-exam ay huwag ka na raw lilingon sa likod para hindi ka na umulit at bumalik doon.
12. Putulin o idonate raw ang mga lapis na nagamit noong ikaw ay nag-exam.
13. Huwag daw uminom ng kape o kahit anong mainit na inumin bago ang exam, bagkus ay uminomdaw ng malamig na tubig yung tipong nagyeyelo.
14. Halikan ang papel bago ipasa ang papel para sa good luck.
15. Ito ay hindi pamahiin pero magdasal bago at pagkatapos mag-exam.
Maraming pamahiin o paniniwala ang mga Pilipino kapag kumuha ka ng board exam, sabi nga nila “wala namang mawawala kung susundin ang mga ito”.