Ano ang mga pampublikong transportasyon na ginagamit noon hanggang ngayon?

Steph Liora
is a Student in the Philippines

Ang transportasyon ay nakatutulong sa pagpapalawak at pag-papaunlad ng mga lipunan at ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapadali sa paglipat ng mga kalakal, serbisyo at tayo mismong mga tao. Isa ito sa pangunahing aspeto ng pag-unlad sa isang lipunan at ekonomiya at may malalim na kahalagahan mula noon hanggang sa ngayon.
 
Mayroong mga halimbawa rito ng mga transportasyon na ginamit noon hanggang sa ngayon.
 
1.      Jeepney/Jeep – ito ay nagsimula noong panahon ng World War II. Pagkatapos ng digmaan mga bandang 1940’s ay maraming mga jeep partikular ang Willys Jeep na natira sa Pilipinas na ginamit na trak ng mga hukbong Amerikano noon. Ginamit ito ng mga Pilipino para maging transportasyon ng mga tao at ginamit rin sa kalakal.
 
 
Sa katagalan, inayos ng mga Pilipino ang disenyo ng jeep para maging maluwag at mas marami na ang mga pasaherong makasakay dito. Naging sikat ito dahil sa kakaibang pagkaka-ayos ng kulay at mga disenyo.
 
Sa ngayon, ang jeepney/jeep ay ginagamit pa rin sa Pilipinas na pampasaherong transportasyon. Ngunit may mga nagsasabing kailangan itong ipatanggal o para sa modernisasyon, baguhin ang mga piyesa para makabawas sa polusyon at para sa kalinisan ng hangin gayundin sa seguridad ng mga tao.
 
2.      Tricycle – Nagsimula ang paggamit ng tricycle noong pagkatapos ng World War II. Nagmula ang konsepto nito sa mga bisikleta na may karitela. Ito ang naging alternatibong paraan nila ng transportasyon pagkatapos ng digmaan.
 
Malaki ang naging papel ng mga tricycle sa ekonomiya ng mga komunidad. Nagbigay ito ng mga trabaho sa mga mekaniko at lalo na sa mga tsuper.
 
Sa ngayon ay ginagamit pa rin itong sasakyan sa iba’t-ibang rural na lugar kung saan hindi rito nakakaabot ang mga malalaking pampasaherong sasakyan.
 
3.      Kalesa – Ito ay nagmula sa konsepto ng mga karwahe noong unang panahon ng mga Espanyol. Ginamit itong transporatsyon ng mga tao. Nagsimula ito sa de-kabayo at naging karwahe na hinihila ng kabayo. Dahil sa kagalingan ng mga Pilipino pagdating sa disenyo ay iniba nila ito, ginawang kahoy, dinisenyuhan at nilagyan ng malalaking gulong.
 
Unti-unti nang nawawala ang kalesa na pampasaherong sasakyan dahil sa mga naglilipanang modernong mga sasakyan. Pero, makikita pa rin ito sa lugar ng Vigan sa Ilocos Sur kung saan binabahagi nila ang kanilang kultura at turismo.
 
4.      Habal-habal – ito ay nagmula sa Visayan term na “habal”, na ang ibig sabihin ay “sumakay sa likod”. Dati ay motorsiklo lamang ang personal na transportasyon ng mga tao pero habang tumagal ay naisipan nilang lagyan ng sidecar na pwede lagyan ng mga kalakal o sakyan ng mga pasahero.
 
Ang habal-habal ang naging transportasyon ng mga taong nasa liblib na komunidad at bundok kung saan hindi sila abot ng mga iba’t ibang uri ng pampasaherong sasakyan.
 
Ngunit may mga panukala raw na magkakaroon ng mga regulasyon at pag-tingin sa seguridad ng mga ito para mapanatili ang kaligtasan ng mga taong sasakay dito.
 
5.      Bangka – ang mga ito ay may mahabang kasaysayan sa Pilipinas. Ang mga pre-kolonyal na pamayanan ay itinayo malapit sa mga ilog noong unang panahon, bangka ang ginamit nila para sa pangingisda, pangangalakal at paglalakbay.
 
Sa ngayon, ginagamit pa rin ang mga tradisyunal na bangka kahit na may mga modern na. Patuloy din itong nagbibigay ng buhay sa ekonomiya ng Pilipinas at nagpapakita ng malalim na koneksyon ng bansa sa karagatan at kahalagahan ng tubig bilang isang yaman ng Pilipinas.
 
6.      Pedicab o Padyak – ang konsepto nito ay nanggaling sa tradisyunal na padyak na ginagamit na panghakot ng kalakal pero pwede rin sakyan ng mga tao. Habang tumatagal ay nadevelop ito at mas komportable na para sa mga pasahero.
 
Ang pedicab ang nanatiling praktikal na sakyan ng mga pasahero sa mga komunidad na hindi nakakaabot ang mga modernong sasakyan. Gaya nalang ng mga masisikip na iskinita atbp.
 
7.      Kuliglig – nagmula ang konsepto nito sa mga de-motor na karwaheng mayroong gulong ng traktora. Ginagamit ang kuliglig sa mga daan o kalsada na hindi gaano maayos  katulad ng sa mga lungsod.
 
Ito ay nagpapakita ng kakayahan ng mga Pilipino na mag-adapt at gumamit ng mga lokal na mapagkukunan para matugunan ang kanilang pangangailangan sa transportasyon.
 

About the author

Steph Liora

Profession: Student
Philippines

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.