Ano ang mga tradisyunal na palaro na sikat sa Pilipinas?

Steph Liora
is a Student in the Philippines

Mahalagang laruin pa rin ang mga tradisyunal na palaro dahil nagdadala ito ng koneksyon sa ating kultura at kasaysayan. Sa pamamagitan ng mga palarong ito, tayo ay natututo tungkol sa mga ugali at tradisyon ng ating mga ninuno. Ang mga tradisyunal na palarong ito ay nagbibigay-daan sa atin na magkaroon ng mas malalim na ugnayan sa isa't isa, matuto ng pagtutulungan at tamang asal, at maunawaan ang halaga ng simpleng kasiyahan.
 
May mga halimbawa rito ng mga tradisyunal na palaro:
1.      Patintero: ito ay laro na kung saan ang mga naglalaro ay naghahabulan habang nasa latagan ng linya. Para manalo, kailangan isa sa mga grupo ay makatawid sa kabilang side nang hindi mahawakan ng mga taga-habol.
2.      Luksong Tinik: nilalaro naman ito sa pamamagitan ng pagtalon patawid sa mga pinagpatong-patong na isang dangkal na kamay mula sa lupa. Para manalo ay hindi dapat madaplisan o matapakan ang tinik habang ito'y tinatalunan.
3.      Sungka: ito ay nilalaro sa isang inukit na kahoy na board na may mga butas at mga shell o bato na nagsisilbing mga token. Para manalo ay kailangan mangolekta ng mga token galing sa mga kalaban.
4.      Tumbang Preso: ito ay laro na dapat mapabagsak ang isang lata na tinatawag na "preso" gamit ang isang tsinelas na tinawatawag nilang “pamato o pato”. Ang "it" naman o yung taga-habol ay nanghahabol sa ibang mga manlalaro para ma-"tag" sila habang naghahabol sila sa pagpapabagsak ng "preso."
5.      Piko: ito ay laro na kung saan ang unang naglalaro ay dapat ihahagis ang kanyang pamato sa unang numero. Sunod ay kailangan niyang tumalon sa pangalawa papunta sa pinakamataas na numero at pabalik. Pagtapos na siyang bumalik ay kukunin niya ang kanyang pamato.
6.      Agawan Base: ang larong ito ay nag-aagawan ng base habang iniwasan ang pagiging "it" sa pamamagitan ng pagtakbo at pag-iiwas.
7.      Langit-Lupa ang laro na ito ay sinusubukang ma-"tag" ang iba pang mga manlalaro. Ang mga "Langit" na manlalaro ay nasa matataas na lugar at ang mga "Lupa" na manlalaro ay nasa mabababa. Para itong laro na tayaan pero ito pwede ka umakyat at hindi ka matataya.
8.      Holahoop: Maraming paraan paano laruin ang holahoop. Pwede itong isuot at ipaikot-ikot sa katawan, pwede ring dumaan dito na parang balakid sa daan hanggang sa makarating ka sa dulo atbp.
9.      Tagu-Taguan: ang larong taguan ay may nagtatago habang hinahanap ng taga-hanap o taya.
10.  Tatsing: ito ay laro na kailangan ay magaling ka sa pagtantiya para mailabas ang mga tansán nang hindi maiiwan ang pamato sa loob ng iginuhit na kwadrado.
 
Malalim ang kahulugan nito sa kultura at kasaysayan ng Pilipinas. Ipinapakita lang natin ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa pampalakasan, pagtutulungan, at masayang paglalaro.
 

About the author

Steph Liora

Profession: Student
Philippines

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.