Bakit hindi naniniwala na Diyos si Hesus ang mga Hudyo, Muslim, at Iglesia ni Kristo?

Buhay OFW Org
is a Company located in the Philippines

Maraming relihiyon sa mundo ang hindi tinatanggap ang Kristiyanong Holy Trinity, kung saan si Hesus ay itinuturing bilang Diyos Anak.
Bakit hindi naniniwala na Diyos si Hesus ang mga Hudyo, Muslim, at Iglesia ni Kristo?
Halimbawa, ang mga Hudyo, Muslim, at pati na rin ang Kristiyanong denominasyon na Iglesia ni Kristo ay di rin naniniwala. Ang tatlong ito ay paguusapan sa video na ito, dahil sila ang mga kilalang relihiyon na may ibang interpretasyon kay Hesus.
 
Ang pag-unawa sa ibang pananampalataya ay mahalaga sa paglutas ng mga pagaaway, pagtataguyod ng kapayapaan, at pagbuo ng mga tulay ng pagkakaibigan sa pagitan ng magkakaibang komunidad.
 
Narito ang eksplanasyon ng Hudyo, Muslim, at Iglesia ni Cristo, kung bakit hindi nila tinatanggap na si Hesus ay Diyos mismo:
 
1. Iglesia ni Cristo
Eto ang talata mula sa Lumang Tipan ng Bibliya, na ginagamit ng mga miyembro ng INC para sa kanilang argumento na hindi Diyos si Hesus:
1 Corinthians 8:6: "Ngunit para sa atin ay may iisang Diyos, ang Ama, mula sa kanya ang lahat ng bagay at para sa kanya tayo; at isang Panginoon, si Hesus Kristo, sa pamamagitan niya ang lahat ng bagay at sa pamamagitan niya tayo."
Interpretasyon: Ginagamit ito ng Iglesia ni Cristo upang ipakita na si Hesus ay hiwalay at naiiba sa Diyos Ama, at hindi Siya ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat.
Eto naman ang talata mula sa Bagong Tipan na ginagamit ng Iglesia ni Cristo:
Juan 17:3 - "Ito ang buhay na walang hanggan: na makilala ka nila na iisang tunay na Diyos, at si Hesu-Kristo, na iyong sinugo." Interpretasyon: Itinuturing ito bilang patunay na si Hesus ay sugo ng Diyos, hindi ang Diyos mismo.
 Bakit hindi naniniwala na Diyos si Hesus ang mga Hudyo, Muslim, at Iglesia ni Kristo?
Ang Iglesia ni Cristo (INC), isang relihiyosong organisasyon na itinatag sa Pilipinas noong 1914, ay hindi naniniwala na si Hesus ay Diyos. Ayon sa kanilang doktrina, si Hesus ay tao lamang, bagama't Siya ay itinuturing na pinakadakila sa lahat ng mga sugo at propeta ng Diyos. Ang kanilang paniniwala ay nakabatay sa kanilang interpretasyon ng Biblia, kung saan sinasabi nila na maraming mga talata ang nagpapahiwatig na si Hesus mismo ay nagpakilala bilang sugo ng Diyos at hindi bilang Diyos mismo. Iginiit ng INC na ang doktrina ng Trinidad ay hindi matatagpuan sa Biblia at ito ay isang pagtuturo na naimbento lamang ng tao.
 
2. Islam (Muslim)
Eto ang ginagamit na talata ng mga Muslim mula sa Quran para sa kanilang argumento na hindi Diyos si Hesus:
Base sa Quran, Surah 5 verse 72: “Ang sinumang magbigay ng katambal sa pagsamba kay Allah, ay ikakait ni Allah sa kanya ang Paraiso. At ang Apoy ang kanyang magiging tirahan.”
Interpretasyon: Ito ay naglalarawan kay Hesus, o Isa, bilang isang propeta lamang, at hindi bilang Diyos o anak ng Diyos.
 Bakit hindi naniniwala na Diyos si Hesus ang mga Hudyo, Muslim, at Iglesia ni Kristo?
Ang mga Muslim ay naniniwala sa konsepto ng "Tawhid," na ang ibig sabihin ay ang pagkakaroon ng isang nag-iisang Diyos (Allah) na walang katambal o katulad. Ayon sa Qur'an, na siyang banal na aklat ng Islam, si Hesus (kilala bilang 'Isa sa Arabic) ay itinuturing bilang isa sa mga pinakadakilang propeta, ngunit hindi bilang Diyos o anak ng Diyos. Itinuturo ng Qur'an na ang pag-aangkin na may ibang diyos maliban kay Allah, o ang pagturing kay Hesus bilang anak ng Diyos, ay isang malaking kasalanan na tinatawag na "Shirk," na ang ibig sabihin ay paglalagay ng katambal sa Diyos. Ang pananaw na ito ay batay sa mga talata sa Qur'an tulad ng Surah Al-Ikhlas (112:1-4), na nagpapahayag ng kaisahan at pagiging natatangi ni Allah.
 
3. Hudyo
Eto ang giangamit na talata ng mga Hudyo para sa kanilang argumento na hindi Diyos si Hesus:
Deuteronomy 6:4: "Pakinggan mo, O Israel: Ang Panginoon nating Diyos ay iisang Panginoon." Eto ay ang Shema Yisrael o ang mahalagang ritwal na binibigkas ng mga Hudyo tuwing umaga at gabi bilang bahagi ng kanilang mga panalangin.
 
Ang pagtanggi ng mga Hudyo kay Hesus bilang Diyos ay nakabatay sa kanilang striktong paniniwala sa monoteismo, sa isang Diyos lamang. Dahil ang ideya ng Trinidad sa Kristiyanismo, kung saan si Hesus ay isa sa tatlong personas ng iisang Diyos, ay hindi umaayon sa monoteistikong pananaw ng Hudaismo.
Isa pa, ang mga Hudyo ay naghihintay sa pagdating ng isang Mesiyas, ngunit hindi sila naniniwala na ang Mesiyas ay magiging isang diyos o isang banal na nilalang. At ayon sa kanilang paniniwala, si Hesus, na isang mortal, ay hindi tumugon sa mga propetikong inaasahan na ito.
 
Ang bawat isa sa mga grupong ito ay may kani-kanilang interpretasyon ng mga banal na kasulatan at doktrina batay sa kanilang pag-unawa at tradisyon, kaya naman magkakaiba ang kanilang pananaw tungkol sa kalikasan ni Hesus.
 
Mahalagang tandaan na ang paniniwala sa divinidad ni Hesus ay isang personal at kumplikadong isyu na nauugnay sa maraming salik tulad ng relihiyon, pilosopiya, kultura, at personal na karanasan. Ang paggalang sa iba't ibang pananaw ay mahalaga sa pag-unawa at pagtanggap sa pagkakaiba-iba ng paniniwala sa ating mundo.

About the author

Buhay OFW Org

Ang layunin namin ay magbigay ng de-kalidad na edukasyon gamit ang wikang Filipino.
Profession: Organization
Buhay OFW
Office Address: Metro Manila
Philippines , Metro Manila

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.