ANO ANG AYOS NG PANGUNGUSAP? HALIMBAWA NG KARANIWAN O TUWID NA AYOS AT DI-KARANIWAN O BALIKTAD NA AYOS

Cristina Daigo
is a Teacher in the Philippines

Mga Ayos ng Pangungusap

May dalawang ayos ng pangungusap: karaniwan o tuwid at di-karaniwan o baliktad na ayos.



A. Karaniwan o tuwid na ayos

Nauuna ang panaguri o ang bahagi nito kaysa sa simuno sa pagbubuo ng isang pangungusap. Ito ang kadalasang ginagamit natin lalo na sa mga pasalitang gawain.


Halimbawa

1. Itinapon / ni Melody /ang mga luma niyang damit.

Ang mga salitang Itinapon at ang mga luma niyang damit ang panaguri at ang salitang Si Melody ang simuno.

2. Nakagat ng aso /si Majo.

Ang mga salitang Nakagat ng aso ang panaguri at ang salitang si Majo ang simuno.

3. Bilini na /ni Marc /ang natitirang kakanin.

Ang mga salitang Binili na at natitirang kakanin ang panaguri at ang salitang ni Marc ang simuno.

4. Ginutom /si Eruel /sa kahihintay.

Ang mga salitang Ginutom at sa kahihintay ang panaguri at ang salitang ni Eruel ang simuno.

5. Papunta /sina Shelly at Mae /sa palengke.

Ang mga salitang Papunta at sa palengke ang panaguri at ang salitang sina Shelly at Mae ang simuno.

6. Tinawag /si Thelma/ng kaniyang guro.

Ang mga salitang Tinawag at ng kaniyang guro ang panaguri at ang salitang si Thelma ang simuno.

7. Naiwan si tatay ng bus.

Ang mga salitang Naiwan at ng bus ang panaguri at ang salitang si tatay ang simuno.



B. Di-karaniwan o baliktad na ayos

Ito ang ayos ng pangungusap na nauuna ang simuno kaysa sa panaguri. Ang panandang ay ang kadalasang nagdurugtong sa dalawang bahagi sa isang pangungusap.


Halimbawa

1. Si Alex /ay nahuli sa klase.

Ang salitang Si Alex ang simuno at ang mga salitang ay nahuli sa klase ang panaguri.

2. Ang mga mag-aaral /ay papunta sa silid-aklatan.

Ang salitang Ang mga mag-aaral ang simuno at ang mga salitang ay papunta sa silid-aklatan ang panaguri.

3. Si Mary /ay kinalmot ng pusa.

Ang salitang Si Mary ang simuno at ang mga salitang ay kinalmot ng pusa ang panaguri.

4. Ang bata /ay nadapa.

Ang salitang Ang bata ang simuno at ang mga salitang ay nadapa ang panaguri.

5. Sina Ranz at Floyd/ ay magkaibigan.

Ang salitang Sina Ranz at Floyd ang simuno at ang mga salitang ay magkaibigan ang panaguri.

6. Ang mag-anak / ay nagsisimba tuwing linggo.

Ang salitang ang mag-anak ang simuno at ang mga salitang ay nagsisimba tuwing linggo ang panaguri.

7. Sina Romeo at Cristina/ ay nagpunta sa parke.

Ang salitang Sina Romeo at Cristina ang simuno at ang mga salitang ay nagpunta sa parke ang panaguri.




Sanggunian: Antonio, E. et.al. 2015. “Kayamanan 5: batayang kagamitang Pampagturo.”

About the author

Cristina Daigo

Profession: Teacher
Philippines , Guimaras , n/a

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Richard Santos
is a Freelancer in the Philippines
Teacher, tama po ang terminolohiya ninyo subalit may mga halimbawang mali ang paliwanag.

Karaniwang ayos:

1. "Itinapon ni Melody ang mga luma niyang damit."

Mali po kayo. Ang panaguri dito ay "Itinapon ni Melody". Ang simuno ay "ang mga luma niyang damit." Sa di karaniwang ayos, ito ay "Ang mga lumang niyang damit ay itinapon ni Melody". Panaguri - "ay itinapo ni Melody.

2. Tama

3. "Binili ni Marc ang natitirang kakanin."

Mali po kayo. Ang panaguri dito ay hindi "Binili" at "ang natitirang kakanin" kundi "Binili ni Marc". Sa di karanwang ayos, ito ay "Ang natitirang kakanin ay binili ni Marc." Panaguri - "ay binili ni Marc."

4. Tama. "Ginutom si Eruel sa kahihintay."

Ayan. Kapag ganyan ang pangungusap, tama po na kasama sa panaguri ang "sa kahihintay". Lagi natin yan makukumpirma kapag inayos natin sa di karaniwang ayos. "Si Eruel ay ginutom sa kahihitay." Panaguri - "ay ginutom sa kahihintay." Tama po kayo dito.

5. Tama
6. Tama
7. Tama

Di-karaniwang ayos:

1-7. Tama po lahat. Mas madaling makita ang simuno sa di-karaniwang ayos. Kaya ang payo ko po sa inyo, kapag, nasa karaniwang ayos ang pangungusap, baliktarin po ninyo ito sa di-karaniwang ayos para makitang maiigi ang simuno at panaguri. Lahat ng nasa kaliwa ng "ay" ay simuno, at lahat ng matitira (mula "ay" pakanan) ay panaguri.
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.