ANO ANG BAHAGI NG PANGUNGUSAP? HALIMBAWA NG SIMUNO AT PANAGURI

Cristina Daigo
is a Teacher in the Philippines

Ang Pangungusap

Ito ay tumutukoy sa kalipunan ng mga pangungusap na nagsasaad ng isang kaisipan o buong diwa.


Bahagi ng pangungusap

Mayroong dalawang bahagi ang pangungusap: ang simuno at ang panaguri.


A. Simuno (English: subject)

Ito ang paksa o pinag-uusapan sa pangungusap. Natutukoy ang ang salita sa pangungusap ang simuno kung ito ay sinusundan ng mga pandanda.


Halimbawa:

1. Si Martin ang bago kong kaibigan.

Ang nakasalungguhit na mga salita na Si Martin ang simuno sa pangungusap.

2. Sina Anna at Louis ang kumain ng tinapay.

Ang nakasalungguhit na mga salita na Sina Anna at Louis ang simuno sa pangungusap.

3. Ang mundo ay umiikot sa sarili nitong axis.

Ang nakasalungguhit na mga salita na Ang mundo ang simuno sa pangungusap.

4. Namumulaklak na ang mga halaman sa hardin.

Ang nakasalungguhit na mga salita na ang mga halaman ang simuno sa pangungusap.

5. Binenta sa murang halaga ang antigong banga.

Ang nakasalungguhit na mga salita na ang antigong banga ang simuno sa pangungusap.

6. Ang magkakaibigan ay sama-samang nanood ng pelikula.

Ang nakasalungguhit na mga salita na Ang magkakaibigan ang simuno sa pangungusap.

7. Sina Clyde at Bonnie ay paparating na.

Ang nakasalungguhit na mga salita na Sina Clyde at Bonnie ang simuno sa pangungusap.


B.Panaguri (English: predicate)

Ito ang bahagi ng pangungusap na naglalahad ng impormasyon tungkol sa simuno.


Halimbawa:

1. Bumili si Princess ng bagong damit.

Ang nakasalungguhit na mga salita na Bumili at ng bagong damit ang panaguri sa pangungusap.

2. Diniligan ng mga mag-aaral ang mga bagong tanim na halaman.

Ang nakasalungguhit na mga salita na Diligan at ang mga bagong tanim na halaman ang panaguri sa pangungusap.

3. Si Angelo ay isang matagumpay na doktor.

Ang nakasalungguhit na mga salita na ay isang matagumpay na doktor ang panaguri sa pangungusap.

4. Ang MRT ay nangangahulugang Manila Railway Transit.

Ang nakasalungguhit na mga salita na nangangahulugang Manila Railway Transit ang panaguri sa pangungusap.

5. Napagod ang mag-anak sa kanilang pamimili para sa kapaskuhan.

Ang nakasalungguhit na mga salita na Napagod at sa kanilang pamimili para sa kapaskuhan ang panaguri sa pangungusap.

6. Pinakintab nina Alice at Lea ang sahig ng silid-aralan.

Ang nakasalungguhit na mga salita na Pinakintab at ang sahig ng silid-aralan ang panaguri sa pangungusap.

7. Kumain ng agahan sina Adrian at Elsa.

Ang nakasalungguhit na mga salita na Kumain ng agahan ang panaguri sa pangungusap.




Sanggunian: Antonio, E. et.al. 2015. “Kayamanan 5: batayang kagamitang Pampagturo.”

About the author

Cristina Daigo

Profession: Teacher
Philippines , Guimaras , n/a

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Richard Santos
is a Freelancer in the Philippines
Teacher, mali po ang simuno at panaguwi sa apat na halimbawa ninyo:

1. "Si Martin ang bago kong kaibigan."

Ang pangungusap na ito ay nasa karaniwang ayos. Sa karaniwang ayos, nauuna ang panaguri kaysa sa simuno. Samakatuwid, ang buong simuno nito ay "ang bago kong kaibign". Mas klaro ito kung babaliktarin natin sa di karaniwang ayos. "Ang bago kong kaibigan ay si Martin." Buong simuno - "Ang bago kong kaibigan". "Si Martin" ay hindi simuno kundi panaguri. Ang tawag sa panaguring ito ay Panaguring Pangngalan.

2. "Sina Anna at Louis ang kumain ng tinapay.

Ganun din ito; nasa karaniwang ayos. Nasa hulihan ang simunong "ang kumain ng tinapay". Ang tawag sa simunong ito ay Paksang Pandiwa kung saan ginagamit ang pandiwa bilang pangngalan at hindi biling pandiwa kung ito ay may panandang "ang". Ito po ay tao at hindi aksyon. "Ang (mga taong) kumain ng tinapay". Dahil ito ginagamit bilang pangngalan (ng tao), maaari itong gawing paksa sa pangungusap. Kaya hindi "Sina Anna at Louis" ang simuno. Mas klaro ito kung babaliktarin sa di karaniwang ayos. "Ang kumain ng tinapay ay sina Anna at Louis." Simuno - "Ang kumain ng tinapay". Panaguri - "ay sina Anna at Louis."

3. "Diniligan ng mga mag-aaral ang mga bagong tanim na halaman.

Hindi po "Diniligan" at "ang mga bagong tanim na halaman" ang panaguri sa pangungusap na ito. Ang panaguri dito ay "Diniligan ng mga mag-aaral" dahil tinutukoy o binibigyang diwa nito ang simunong "Ang mga bagong tanim na halaman". Upang hindi po kayo malito, gawin po ninyon di karaniwana ang ayos. "Ang mga bagong tanim na halaman ay diniligan ng mga mag-aaral." Lahat ng mga salitang nasa kaliwa ng "ay" ay buong simuno.

4. "Pinikintab nina Alice at Lea ang sahig ng silid-aralan.

Ganun din po ito. Gawin ninyong di karaniwan ang ayos para hindi po kayo malito. "Ang sahig ng silid-aralan ay pinakintab nina Alice at Lea." Ang buong panaguri dito ay "ay pinakintab nina Alice at Lea." Hindi kasama ang "ang sahig ng silid-aralan" sa panaguri sapagkat ito ay simuno.
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.