ANO ANG BAHAGI NG PAHAYAGAN O DYARYO? NILALAMAN NG BALITA, PERYODIKO AT DIYARYO

Cristina Daigo
is a Teacher in the Philippines

Ang Pahayagan at mga Bahagi nito


Naitanong mo na ba sa mga nakatatanda sa iyo kung paano nila nalalaman ang mga kaganapan sa ibang lugar noong wala pang cellphone at internet? Marahil ang isa sa mga isasagot nila sa iyo ay mga babasahin tulad ng pahayagan. Ano nga ba ang isang pahayagan?


Ang pahayagan ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng balita, impormasyon, at patalastas at kadalasang inilalathala araw-araw. Ito ay tinatawag ding diyaryo o peryodiko. Mayroong sampung bahagi ang pahayagan. Tignan sa ibaba ang mga sumusunod na bahagi at ang mga halimbawa:


I . Pangmukhang pahina – Ito ang unang pahina ng isang pahayagan kung saan mababasa ang pangalan ng pahayagan, petsa kung kalian ito naimprenta at ang pangunahing balita na nakasulat sa malalaking letra.



II. Balitang Pandaigdig – Dito nakapaloob ang mga balitang nagaganap sa iba’t ibang bahagi ng mundo at maging mga balitang may kaugnayan sa labas ng ating planeta.


III. Balitang Panlalawigan – Sa pahinang ito ng pahayagan inilalahad ang mga balitang nakalap mula sa mga iba’t ibang lalawigan sa bansa na kung saan nailimbag ang pahayagan.

IV. Pangulong Tudling/ Editoryal – Ang pahinang ito ay naglalaman ng kuru-kuro o puna na isinulat ng punong patnugot at iba pang kapita-pitagang patnugot hinggil sa isang napapanahong paksa o isyu.

V. Balitang Komersyo – Mababasa ang mga ulat na may kaugnayan sa kalakalan, industriya, at komersyo. Dito rin malalaman ang kasalukuyang estado ng Philippine Stock Exchange at ang palitan ng piso kontra sa salapi ng ibang mga bansa.

VI. Anunsyo Klasipikado – Ang pahinang ito sa pahayagan ay higit na nakalaan para sa mga mambabasang naghahanap ng trabahon at naghahanap ng mabibiling ari-arian. Makikita rito ang mga anunsyo para sa iba’t ibang uri ng hanapbuhay o kaya ay mga binebentang bahay, lupa, sasakyan, at iba pang kagamitan.

VII. Obitwaryo – Nakalaan ang pahinang ito para sa mga anunsyo tungkol sa mga namayapa na. Dito mababasa ang imporymasyon kung saan nakaaburol at kung kailan ililibing ang namatay.

VIII. Libangan – Isa ito sa mga makulay na bahagi ng pahayagan na naglalaman ng mga balita tungkol sa artista, pelikula, telebisyon, at iba pang sining. Mababasa rin dito ang mga paparating na mga konsyerto ng iba’t ibang mang-aawit na sa ating bansa maging ang mga kilala sa naturang sining sa ibang bansa. Mayroon din itong mga krosword, komics, at larong sudoku na bagay sa mga batang mambabasa maging horoscope para sa mga mambabasang gustong malaman ang possible nilang kapalaran sa naturang araw.

IX. Lifestyle – Mababasa sa bahaging ito ang mga artikulong may kaugnayan sa pamumuhay, tahanan, pagkain, paghahalaman, paglalakbay at iba pang aspeto ng buhay sa lipunan.

X. Isports – Sa bahaging ito mababasa ang mga kaganapan sa iba’t ibang larong pampalakasan na sa loob at labas ng bansa.



Sanggunian: Antonio, E. et.al. 2015. “Yamang Filipino: batayan at sanayang aklat sa Filipino”

About the author

Cristina Daigo

Profession: Teacher
Philippines , Guimaras , n/a

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.