ANO ANG DIPTONGGO AT KLASTER? MGA HALIMBAWA

Cristina Daigo
is a Teacher in the Philippines

Ang ang Diptonggo at Klaster?
Alam natin na ang patinig ay binubuo ng mga letra na A, E, I, O, at U. Ngunit ano ba ang tawag kung ang baybay sa salita ay binubuo ng patinig at dinagdagan ng titik W at Y? Ano naman ang tawag kung ang isang salita ay may dalawang katinig at isang patinig?

DIPTONGGO
Ito ay tumutukoy sa pagsasama ng alin mang titik sa patinig at ng mga titik w o y. Ang diptonggo ay alin man sa mga tunog na /aw/, /ay/, /ey/, /iw/, /iy/, /oy/, at /uy/ sa isang pantig ng salita.

Halimbawa:
Ang salitang sisiw ay may diptonggo.

Ang diptonggo ay ang tunog na /iw/ dahil ang tunog na ito ay nasa pantig na siw.

Ang salitang sablay ay may diptonggo na /ay/ dahil ang tunog nito ay nasa pantig ng /ay/.

Ang mga salitang may mga titik aw, ay, ey, iw, iy, oy, at uy ay hindi maituturing na salitang may diptonggo kapag nahihiwalay ang dalawang titik sa pagpapantig.
Halimbawa, ang salitang tuluyan ay may uy ngunit wala itong diptonggo na /uy/ dahil ang titik u at y ay nahihiwalay sa pagpapantig ng salita.

Halimbawa ng mga salita na may diptonggo:
/aw/ /ay/ /ey/ /iw/ /oy/ /uy/
sigaw bahay beywang aliw baboy kasuy
ginaw atay Leyte saliw palaboy baduy
tampisaw patnubay reyna paksiw unggoy aruy
dilaw salaysay liwaliw langoy
hilaw bantay baliw tuloy

Halimbawa ng pangungusap na may diptonggo:
A. Inanyayahan si Princess na maging abay sa kasal ng kaniyang pinsan.

Ang salitang abay ang may diptonggo na /ay/.

B. Huwag mong hayaan na umapaw ang tubig sa kusina

Ang salitang umapaw ay may diptonggo na /aw/.

C. Nagtulugan ang mag-anak na alisin ang agiw sa bahay na kanilang lilipatan.

Ang salitang agiw ay may diptonggo na /iw/

D. Talagang malamig ang simoy ng hangin tuwing Disyembre.

Ang salitang simoy ay may diptonngo na /oy/.


KLASTER
Ito ay tinatawag din na kambal katinig na kung saan magkadikit ang dalawang magkaibang katinig sa isang patinig. Ang klaster o kambal katinig ay maaring nasa unahan o hulihan na bahagi ng isang salita. Ang mga karaniwang kambal katinig na madalas nating ginagamit sa ating mga salita ay br, bl, dr, dy, kl, kr, gr, pr, pl, tr, at ts.

Halimbawa
A. Klaster o kambal katinig sa unahang bahagi ng salita
trabaho braso plano globo prutas tsaa dyaryo

B. Klaster o kambal katinig sa hulihang bahagi ng salita
barko tsart miyembro demokrasya prinsipyo

C. Mga pangungusap na may kambal katinig o klaster
1. Nasugatan ang kaniyang kanang braso nang siya ay madapa.
2. Papasok na sa kaniyang bagong trabaho ang tiyo ni Angela.
3. Ang globo ay isang bagay na makapagbibigay ng direksyon.


Sanggunian: Antonio, E. et.al. 2015. “Komunikasyon 4: batayan at sanayang aklat sa Filipino.”


About the author

Cristina Daigo

Profession: Teacher
Philippines , Guimaras , n/a

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.