ANO ANG KAYARIAN NG SALITA? PAYAK, MAYLAPI, INUULIT, TAMBALAN, HALIMBAWA

Cristina Daigo
is a Teacher in the Philippines

Kayarian ng salita

Ang kayarian ng salita ay tumutukoy sa kung paano nabuo ang mga salita. May apat na kayarian ang salita. Ito ay ang payak, maylapi, inuulit, at tambalang-salita


Payak

Masasabing ang salita ay payak kung ito ay salitang-ugat lamang at walang dagdag na panlapi, hindi inuulit o walang katambal na salita


Halimbawa:

A. Payak na salita

saya kulay ganda aklat

gulo araw hawak haba

bango kintab bulaklak dami


B. Pangungusap na may payak na salita

1. Kulay puti ang bago niyang bestida.

2. Bumili si Kristine ng bagong aklat.

3. Itinuro si Jaymar na siyang nagsimula ng gulo sa silid-aralan.

4. Hawak na ng mga tagapagsalita ang listahan ng mga nanalo sa patimpalak.

5. Natatanggal na ang tahi sa iyong palda.


Maylapi

Ito ang mga salitang-ugat na may karagdagan na panlapi. Ang panlapi ay maaring matutukoy sa unahan , gitna, o sa hulihan ng isang salita.


Halimbawa:

A. Maylapi na salita

nag + dilig = nagdilig

mag + laba = maglaba

sa + sakay = sasakay

um + punta = pumunta

nag + patay + an = nagpatayan

ma + lusog = malusog

in + sulat = sinulat

nag + kwento + han = nagkwentuhan


B. Pangungusap na mayroon maylapi ang salita

1. Sabay-sabay na inawit ng mga mag-aaral ang Lupang Hinirang.

2. Kinagat ng aso ang binti ni Dexter.

3. Ang magkaklase ay naglaro sa parke kaninang hapon.

4. Sinagot ni Mikah ang tanong ng guro.

5. Aalis na papuntang Korea ang tatay ni Cedric.


Inuulit

Ang mga salita ay mabubuo sa pamamagitan ng pag-uulit ng salitang ugat o isa o higit pang pantig nito.


Halimbawa:

A. Inuulit na mga salita

araw-araw sasayaw marami-rami tau-tauhan

pira-piraso pantay-pantay aahon gaganda

paulit-ulit titigil hiwa-hiwalay uulan

B. Pangungusap na may inuulit na salita

1. Ang barkada ay pupunta sa kaarawan ng kanilang dating guro sa elementary.

2. Halos taun-taon kung mamigay ng pamasko ang pamilya ni Jeremy sa aming barangay.

3. Inaasahan na marami nanaman na mga turista ang aakyat sa Buscalan.

4. Sa darating na miyerkules magaganap ang salu-salo sa bahay namin.

5. Kani-kanina lang umalis si Delia kasama ang kaniyang mga anak.


Tambalan

Ito ang pagsasama ng dalawang makaibang salita upang makabuo ng isang salita na may ibang pakahulugan sa pinanggalingang mga salitang-ugat.


Halimbawa:

A. Tambalan na mga salita

basag + ulo = basag-ulo

silid + tanggapan = silid-tanggapan

balat + sibuyas = balat-sibuyas

akyat + bahay = akyat-bahay

mata + pobre = matapobre

hati + gabi = hatinggabi

likas + yaman = likas-yaman

hanap + buhay = hanap-buhay


B. Pangungusap na may tambalan na salita

1. Sa bahay-ampunan lumaki si Esther.

2. Iba ang saya ang aking nararamdaman tuwing may nakikita akong bahag-hari.

3. Umakyat sa kabundukan ang mag-kakaibigan kahit na tanghaling-tapat.

4. Takip-silim na nang nakauwi si Analisa sa kanilang tahanan.

5. Hanggang nakaw-tingin na laman si Rodel sa kaniyang iniirog.



Sanggunian: Dayag, A. et.al. 2010. “Pinagyamang pluma 4: wika at pagbasa sa elementarya.”


1 person likes this

About the author

Cristina Daigo

Profession: Teacher
Philippines , Guimaras , n/a

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Thank you po sa aral, please allow me to copy for learning purposes.
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.