ANO ANG PANANDA O NAGSISILBING TANDA NG GAMIT SA ISANG SALITA NG PANGUNGUSAP? MARKERS ARTICLE

Cristina Daigo
is a Teacher in the Philippines

Mga Pananda

Ang mga pananda ay nagpapakilala o nagsisilbing tanda ng gamit ng isang salita sa loob ng pangungusap. Ang mga sumusunod sa ibaba ang mga panandang madalas na ginagamit sa mga pangungusap.


A. Ang / Ang mga

Ang panandang ang at ang mga ay ginagamit sa pantukoy ng simuno o pangngalan sa pangungusap.

Halimbawa

1. Naghanda sa pista ang pamilya Mercado.

2. Sinulat ang pangalan ng mga maiingay sa pisara.

3. Nagluo ang nanay para sa kaniyang mga bisita

4. Ang mga kaibigan ni Odessa ay umuwi na.

5. Ang mga bata ay naglalaro sa kalsada.

6. Ang mga paaralan sa Iloilo ay nagdeklara nang walang klase.


B. Sa / Para sa

Ang panandang sa ay ginagamit bilang isang panandang ganapan kung saan naganap ang kilos ng pandiwa. Ito ay nagiging panandang kalaanan kung sinasamahan ng salitang para.

Halimbawa:

1. Pauwi na sa kanilang tirahan ang mag-anak.

2. Sa KFC kumain sina Tricia at Marie.

3. Ang paligsaan ay gaganapin sa plaza.

4. Para sa kanilang kasal ang mga biniling bulaklak.

5. Naghahanap ng masusuot na bestida si Alice para sa paligsahan.

6. Ginagawa ko ito para sa aking mga pangarap.


C. Si / Sina

Ang panandang si at sina ay ginagamit sa pagtukoy ng tao o mga tao sa pangungusap. Ang si ay ginagamit sa isahan at ang sina ay para sa dalawahan o maramihan.

Halimbawa:

1. Magkasama sina Charles at Princess sa simbahan.

2. Sina nanay at tatay ang nagdisenyo ng aming bahay.

3. Kukuha ng pagsusulit sa pagkaguro sina Alyssa at Nicole.

4. Si Andrei ang may kasalanan.

5. Huli nanaman sa klase si Rohanne.

6. Umiyak si Marou dahil naiwan siya ng bus.


D. Ng / Ng mga

Ang mga panandang ng at ng mga ay ginagamit bilang pananda sa pangngalan na ginagamit na layon ng pandiwa, panuring na paari o tatanggap ng pandiwa.

Halimbawa:

1. Tatanggap ng perang papremyo ang mananalo.

2. Bumili ka ng gulay sa palengke.

3. Sa siyudad ng Iloilo makikita ang bahay na baton g pamilya Camiña.

4. Masasagot ng mga guro mo ang iyong tanong tungkol sa iyong grado.

5. Sumunod ka sa mga payo ng mga magulang mo.

6. Iginuhit ng mga mag-aaral ang larawan sa pisara.


E. Kay / Kina

Ang mga panandang kay at kina ay isang pananda ng pangngalan na ginagamit na layon ng pandiwa o panuring. Kay ang ginagamit kung ang pangngalan ay isa o pang-isahan at kina kung ito naman ay pang-maramihan.

Halimbawa:

1. Kay Jamir ang sombrero sa lamesa.

2. Galing kay Lee ang mga bulaklak.

3. Ang sulat at para kay nanay.

4. Kina Chi at Jeff ang mga nakaparadang motorsiklo.

5. Papunta kina Luis at Kyle ang pulang sasakyan.

6. Kina Elsa at Joy ang mga makukulay na papel sa lamesa.


F. Ay

Ang panandang ay ay isang pang-angkop o panandang pagbabaliktad. Kadalasang ginagamit sa mga pangungusap na di-tuwiran o baliktad na ayos.

Halimbawa:

1. Sina Romeo at Cristina ay ikakasal na.

2. Ang mga magkakapit-bahay ay nagpupulong.

3. Si Ma’am Diane ay nakatira sa looban.

4. Ang batay ay bumili sa tindahan.

5. Ang mga tinuhog na karne ay iihawin na.

6. Sina Amber at Rose ay magkaibigan.


Sanggunian: Dullo, E. et.al. 2015. “Komunikasyon 4 : batayan at sanayang aklats sa Filipino.”

About the author

Cristina Daigo

Profession: Teacher
Philippines , Guimaras , n/a

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.