ANO ANG PANG-ABAY AT MGA URI NITO? SALITANG NAGLALARAWAN NG PANDIWA, ADVERBS

Cristina Daigo
is a Teacher in the Philippines

Ang pang-abay ay nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. Mayroon iba’t ibang uri ang pang-abay.

MGA URI NG PANG-ABAY

A. Pang-abay na pamanahon
Ang pang-abay na ito ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos ng isang pandiwa sa pangungusap. Ang mga pang-abay na ito ay may pananda, walang pananda, o nagsasaad ng dalas.
Halimbawa

  A.1. May pananda

     1. Hanggang kailan ka magtitiis sa panankit ng ngipin mo?

     2. Naging masigagsig sa pag-aaral si Alexandra mula nang binigyan siya ng cellphone.

     3 Nakaugalian na ng pamilya ni Nira na magpakain tuwing kaarawan ng kaniyang ama.

  A.2.Walang pananda

     1. Ipalalabas mamaya sa telebisyon ang panayam kay Artemio.

     2. Ang kaarawan ni Marcelo ay ipinagdiwang kahapon sa kanilang tahanan.

     3. Manonood kami bukas ng pelikula ni Vice Ganda sa SM City.

  A.3. Nagsasaad ng dalas

     1. Tuwing nobyembre lumuluwas ng Manila si Arci.

     2. Araw-araw kung mamili sa palengke si Aling Pacita.

     3. Nakasanayan na ni Louie na uminom ng isang basong tubig tuwing pagkagising sa umaga.


B. Pang-abay na panlunan
Ang pang-abay na panlunan ay tumutukoy sa pook ng pinangyarihan o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Ang mga pariralang sa at ka yang kadalasang ginagamit sa uri ng pang-abay na ito. Ang sa ay ginagamit kapag kasunod ang pangngalang pambalana o panghalip at kay o kina naman kapag ang kasunod ay pangngalang pantanging ngalan ng tao.

Halimbawa

1. Maraming masasarap na pagkain ang puwedeng mapagpilian sa turo-turo sa bayan.

2. Inutusan ko si Liza na bumili ng bulaklak para sa kaarawan ng nanay.

3. Nakapunta na si Cristina sa lugar ni Apo Whang Od.

C. Pang-abay na pamaraan
Ang pang-abay na ito ay naglalarawan kung paano naganap, nagaganap o magaganap ang kilos na ipinapahayag ng pandiwa. Ang mga panandang nang, na at ng ang kadalasang ginagamit sa pagtukoy ng naturang uri ng pang-abay.

Halimbawa

1. Maliwanag magsalita an gaming propesor.

2. Napakabagal ng usad ng mga sasakyan sa Edsa.

3. Dahan-dahang sinusuklay ng nana yang buhok ni Elsa.

D. Pang-abay na pang-agam
Ang pang-abay na ito ay nagpapahiwatig ng di-katiyakan sa pagganap ng kilos ng pandiwa.

Halimbawa:

1. Siguro nga nagbago na si Baron.

2. Magbabakasakali lang naman ako baka pwede mo akong mapahiram ng pera.

3. Tila uulan ngayon.

E. Pang-abay na panang-ayon
Ang pang-abay na panang-ayon ay nagsasaad ng pagsang-ayon ng nagsasalita sa pangungusap.

Halimbawa:

1. Tunay ngang masarap ang mangga sa Guimaras.

2. Oo, asahan mo na darating ako sa pinag-usapan nating oras at lugar.

3. Talaga ngang iba ang napupundar kung may kamag-anak ka sa abroad.

F. Pang-abay na pananggi
Ang pang-abay na pananggi ay nagsasaad ng pagsalungat ng nagsasalita sa pangungusap.

Halimbawa:

1. Huwag mong ipagsasabi kahit kanino ang iyong narinig.

2. Kaunti pa rin ang ayaw tumigil sa paninigarilyo kahit na may hindi kanais-nais na larawan sa pakete ng sigarilyo.

3. Hindi pa naghihilom ang sugat ng nakaraan.

G. Pang-abay na panggaano o pampanukat

Ang pang-abay na ito ay nagsasaad ng timbang o sukat ng bagay na pinag-uusapan sa pangungusap. Kadalasan nitong sinasagot ang tanong na gaano o magkano

Halimbawa:

1. Bumaba ang timbang ni Alyssa ng 5 kilo.

2. Inabot ng limang oras ang byahe ko bago ako nakarating sa bahay.

H. Pang-abay na pamitagan

Ang pang-abay na ito ay nagsasaad ng paggalang.

Halimbawa

1. Kailan po darating ang tatay?

2. Opo, maghuhugas na ng pinggan.

3. Sa kanan ho makikita ang palikuran ng mga babae.


Sanggunian: Dullo, E. et.al. 2015. “Komunikasyon 5 : batayan at sanayang aklats sa Filipino.”

About the author

Cristina Daigo

Profession: Teacher
Philippines , Guimaras , n/a

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.