Ano ang Scientific Method? Paano gumawa ng Hypothesis? Ano hakbang?

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Ang scientific method o ang agham na pamamaraan ay isang proseso ng pag eeksperimento na ginagamit upang mapatunayan at mapag-aralan ang pagmamasid at masagot ang iba’t-ibang mga katanungan. Ibig bang sabihin nito na ang lahat ng mga scientists o mananaliksik ay eksaktong sinusunod ang prosesong ito? Hindi. Ang ilang bahagi ng agham ay mas medaling mai-test kaysa iba.

Halimbawa, ang mga scientists na pinag aaralan kung paano magbago ang mga bituin habang tumatanda o kung paano natutunaw ng mga dinosaurs ang kanilang kinakain ay hindi maaaring pabilisin o i-fast forward ang buhay ng isang bituin ng milyon-milyong taon o magsagawa ng mga medikal na eksaminsasyon sa mga kumakaing dinosaurs upang ma kumpirma ang kanilang hinala o hypothesis. Kapag hindi posibleng magsagawa ng direktang pag-eeksperimento, binabago ng mga scientists ang kanilang scientific method. Kaya nga, maaring mayroong kasing daming scientific methods na katumbas sa dami ng mga scientists! Ngunit kahit na ito ay binabago, iisa pa din at hindi nagbabago ang kanilang layunin: ang alamin ang relasyon ng sanhi at epekto sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan, maingat na pagkokolekta at pagsusuri ng ebidensya, at pagtingin at pag analisa kung ang lahat ng impormasyong nakalap ay maaaring pagsamasamahin upang bumuho ng makabuluhang sagot.

Kahit na ipinapakita natin ang ating mga scientific methods sa iba’t-ibang magkakasunod na steps, importanteng alalahanin na ang bagong mga impormasyon o pag-iisip ay maaaring magdulot para ulitin at ibahin ng isang scientist ang kanyang direkson o proseso sa kalagitnaan ng kanyang pagsasaliksik. Ang proseso na tulad ng isang scientific method na nangangailangan ng madalas na pagbabago at pag-uulit ay tinatawag na iterative process.

Kahit na ikaw ay gumagawa ng isang proyekto para sa scientific fair, isang gawain sa loob ng silid-aralan, malayang nagsasaliksik o kahit ano pa mang klaseng scientific inquiry, ang pag-iintindi ng konsepto at proseso ng scientific method ay makakatulong para mai-focus moa ng iyong katanungan at maisaayos ang iyong proseso, obserbasyon at impormasyon para masagot ang iyong katanungan sa pinakaepektibong paraan.


Mga hakbang ng Scientific Method

Magtanong: Ang scientific method ay nagsisimula sa pagtatanong tungkol sa isang bagay na iyong napapansin: Paano, Ano, Kailan, Sino, Kung Saan, Bakit o Saan?

Para sa isang proyekto para sa science fair, ang ilang mga guro ay nangangailangan na kung maaari, ang iyong katanungan ay pwedeng masukat gamit ng isang numero.

Magsaliksik sa background: Imbes na umpisahan sa wala ang iyong pagpapalano para masagot ang iyong katanungan, mas mainam na gamitin ang library o magsaliksik sa internet upang matulungan kang maghanap ng pinakamabisang paraan na gawin ang iyong eksperimento at masiguradong hindi mo maulit ang nakaraang pagkakamali ng ibang scientists.

Gumawa ng Teorya o Hypothesis: Ang hypothesis ay isang edukado at lohikal na hula sa kung paano nangyayari ang mga bagay bagay. Ito ay isang tangkang pagsagot sa iyong tanong na may kasamang paliwanag na kayang kayang i-test at patunayan. Ang isang magandang hypothesis ay nagpapahintulot sa iyong gumawa ng isang hula:

“Kung _____ [ginawa koi to]_______, pwes _____________(ito)________ ang mangyayari.”

Kailangan mong sabihin ang iyong hypothesis at ang iyong hula na iyong itetest. Ang mga predictions o hula ay dapat na medaling masukat.

Subukan Ang Iyong Hypothesis sa Pamamagitan ng Isang Eksperimento: Ang iyong eksperimento ang susubok sa iyong hula kung ito ba ay tama at siyang magpapatunay kung tama ba o mali ang iyong hypothesis. Importante para sa iyong eksperimento na maging patas. Makakagawa ka lamang ng patas na eksperimento kung masisiguro mong iisang factor lang ang iyong babaguhin sa bawat beses na ginagawa mo ito at pananatilihin mong pare pareho ang kondisyon ng ibang factors.

Nararapat ding ulitin ang iyong eksperimento ng ilang beses para masiguradong hindi isang aksidente ang unang resulta ng iyong eksperimento.

Analisahin Ang Iyong Impormasyong Nakalap at Gumawa ng Isang Konklusyon: Kapag tapos na ang iyong eksperimento, kolektahin ang lahat ng mga nasukat mong resulta at suriin itong mabuti para malaman kung sumusuporta ba sila sa iyong hypothesis o hindi.

Kalimitang nakikita ng mga scientists na ang kanilang mga hula ay hindi nagkatotoo at hindi nasuportahan ang kanilang hypothesis at sa mga kasng ito ay ipapaalam at ilalathala nila ang kanilang resulta at gagawa ulit ng bagong hypothesis at prediksyon base sa impormasyong natutunan nila sa nakaraang eksperimento. Ito ulit ang magiging simula ng kanilang panibagong scientific method. Kahit na nasuportahan pa ang kanilang hypothesis, mainam ding ulitin nila ulit ito sa bagong paraan naman para mas makompirma ang kanilang resulta.


Ilathala ang Resulta: Para makumpleto ang iyong proyekto para sa Science Fair, kailangang ilathala ang resulta ng iyong eksperimento sa isanng report o display board para mabasa ng iba. Kahit ang mga propersyonal na siyentipiko ay pareho din ang ginagawa sa pamamagitan ng paglathala sa mga scientific journal o sa pag presinta ng mga resulta nila sa isang poster o sa isang diskurso sa isang scientific meeting. Sa isang science fair, may mga huradong tiyak na magiging interesado sa iyong mga resulta napatunayan mo man o hindi ang iyong hypothesis.


About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.