Ang katangian at kayarian ng pangngalan
Ang pangngalan ay salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, at pangyayari. Mayroon itong iba’t ibang kayarian at katangian.
A. Kayarian
May dalawang uri ng kayarian ng pangngalan. Ito ay tinatawag na pantangi at pambalana.
A.1. Pantangi
Ang pangngalang pantangi ay nagsisimula sa malaking titik na tumutukoy sa tiyak na ngalan tao, hayop, bagay, lugar, at pangyayari.
Halimbawa
Anne Curtis
Cagayan de Oro
Rottweiler
Araw ng kalayaan
Rodrigo Duterte
A.2. Pambalana
Ang mga pangngalang pambalana ay ang mga salitang kadalasang nagsisimula sa maliit na titik at tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, bagay, pangyayari, at iba pa.
Halimbawa
oso
jeep
guro
kaarawan
papel
B. Kayarian ng pangngalan
Naayon sa sakop o uri ng katuturan ang mga pangngalan. Maari itong tahas, basal, hango, lansak, o patalinhaga.
B.1. Tahas
Ang pangngalan na tahas ay ang mga pangngalan na nararanasan ng isa sa limang pandamdam (pakiramdam, paningin, panlasa, pandinig, pang-amoy) at may katangiang pisikal.
Halimbawa
kanin
awitin
bulkan
magaspang
mabaho
B.2. Basal
Ito ang mga pangngalan na tumutukoy sa mga kaisipan o konsepto na hindi nararanasan ng limang panamdam ng at walang pisikal na katangian.
Halimbawa:
wika
paniniwala
yaman
buhay
hirap
B.3. Lansak
Ang pangngalang lansak ay tumutukoy sa isang kalipunan o karamihan na maaring ginagamitan ng panlapi o maaring hindi.
Halimbawa:
madla
sangkatauhan
kapuluan
sandatahan
kapisanan
B.4. Hango
Pangngalan na nakabatay sa salitang basal.
Halimbawa:
kaisipan (hango sa salitang isip)
katapangan (hango sa salitang tapang)
malinis (hango sa salitang linis)
kasaysayan (hango sa salitang saysay)
B.5. Patalinhaga
Ang patalinhagang pangngalan ay ang hindi tuwirang pagtukoy sa bagay na pinaglalaanan. Sa halip ay inihahambing ito sa bagay na kamukha o katulad lamang.
langit (imbis na kasiyahan)
pagong(imbis na mabagal)
kababuyan (imbis na burara)
liwanag (imbis na gabay)
tulog-mantika (imbis na mahimbing na pagtulog)
Sanggunian: Jocson, M. et.al 2011. Hiyas ng lahi: panitikan, gramatika, at retorika
Antonio, E. et.al. 2015. “Yamang Filipino: batayan at sanayang aklat sa Filipino”