ANO MGA ASPEKTO NG PANDIWA? PERPEKTIBO, PANGKASALUKUYAN, MAGAGANAP

Cristina Daigo
is a Teacher in the Philippines

Mga Aspekto ng Pandiwa
Ito ang mga pandiwa na nagbibigay impormasyonkung kailan nangyari, nangyayari o ipagpapatuloy pa ang kilos na isinasaad sa pangungusap. Ang mga sumusunod ay ang iba’t ibang aspekto ng pandiwa.

A. Perpektibo
Ang pandiwang ito ay nagsasaad na tapos nang gawin ang kilos. Tinatawag din itong panahunang pangnagdaanan o aspektong naganap.
Halimbawa:
1. Ang mga kaibigan ni Jeremy ay dumating kahapon.
Ang salitang dumating ay ang perpektibong pandiwa sa pangungusap.

2. Nagluto ng bihon si Alyssa.
Ang salitang Nagluto ay ang perpektibong pandiwa sa pangungusap.

3. Sina Gng. Marquez at Gng. Cruz ang bumili ng mga regalo.
Ang salitang bumili ay ang perpektibong pandiwa sa pangungusap.

4. Ang mag-anak ay nagsimba.
Ang salitang nagsimba ay ang perpektibong pandiwa sa pangungusap.

5. Nanganak na ang asawa ni Alfonso.
Ang salitang Nanganak ay ang perpektibong pandiwa sa pangungusap.

6. Ginupit ni Mayet ang mga makukulay na papel.
Ang salitang makukulay ay ang perpektibong pandiwa sa pangungusap.

B. Aspektong pangkasalukuyan o imperpektibo
Ang pandiwang ito ay nagsasaad ng kilos na kasalukuyang nagaganap o nangyayari. Tinatawag din itong panahunang pangkasalukuyan.
Halimbawa:
1. Naglalaba sa sapa si Marikit.
Ang salitang Naglalaba ay ang perpektibong pandiwa sa pangungusap.

2. Umuulan na nang malakas.
Ang salitang Umuulan ay ang perpektibong pandiwa sa pangungusap.

3. Iinom muna ako ng tubig dahil nauuhaw ako.
Ang salitang Iinom ay ang perpektibong pandiwa sa pangungusap.

4. Nakikinig si Shaina sa itinuturo ng kaniyang guro.
Ang salitang itinuturo ay ang perpektibong pandiwa sa pangungusap.

5. Hinahanap ng tatay ang susi ng kaniyang motosiklo.
Ang salitang Hinahanap ay ang perpektibong pandiwa sa pangungusap.

6. Ang mga magkakapit-bahay ang tumutulong sa paggawa sa bulwagan sa plaza.
Ang salitang tumutulong ay ang perpektibong pandiwa sa pangungusap.

C. Aspektong magaganap o kontemplatibo
Ito ay nagpapakita na ang kilos ay hindi pa nauumpisahan at gagawin pa lamang sa pangungusap. Tinatawag din itong panahunang panghinaharap.
Halimbawa:
1. Magagawa ni Ariel ang kaniyang mga proyekto bago ang pagsusulit.
Ang salitang Magagawa ay ang kontemplatibong pandiwa sa pangungusap.

2. Si Analiza ay maghihintay sa iyo sa simbahan.
Ang salitang maghihintay ay ang perpektibong pandiwa sa pangungusap.

3. Huwag na kayong mag-ingay dahil matutulog na ang inyong lolo.
Ang salitang matutulog ay ang perpektibong pandiwa sa pangungusap.

4. Hahanapin ni Annie ang tirahan ng kaniyang dating kamag-aral.
Ang salitang Hahanapin ay ang perpektibong pandiwa sa pangungusap.

5. Ang lechon at lumpia ang kakainin ng mga panauhin.
Ang salitang kakainin ay ang perpektibong pandiwa sa pangungusap.

6. Maglalaro na ang paboritong koponan ni Angela sa basketball.
Ang salitang maglalaro ay ang perpektibong pandiwa sa pangungusap.



Sanggunian: Antonio, E. et.al. 2015. “Kayamanan 4: batayan at kagamitang pampagturo sa Filipino.”






About the author

Cristina Daigo

Profession: Teacher
Philippines , Guimaras , n/a

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.