Sa panahon ng makabagong teknolohiya, cellphone at internet ang ating mga pamamaraan upang maipaalam sa ibang tao ang ating saloobin. Ngunit ano ang ating magagamit kung wala ang mga ito? Alam nyo ba kung ano ang isang liham at ang mga bahagi nito?
Ang liham o sulat ay isang mensahe o pahayag na naglalaman ng balita,
impormasyon, o nararamdaman ng nagpadala para inaasahang tatanggap nito na nasa ibang lugar. Maaring ito ay sulat kamay o naka-encode gamit ang computer.
Mayroong limang bahagi ang isang liham.
I. Pamuhatan ay ang bahagi na naglalahad ng pinagmulan o tirahan ng sumulat at ang petsya kung kalian niya ito isinulat.
II. Bating panimula naman ang tawag sa pambungad na pagbati sa babasa ng iyong liham.
III. Katawan ng liham ang bahagi na naglalaman ng iyong mensahe o dahilan sa iyong pagsulat sa inaasahang babasa nito.
IV. Bating pangwakas ang bahagi na kung saan nagpapaalam ang sumulat. At
V. Lagda ang bahagi na nnagsasaad ng pangalan ng sumulat ng liham.
Upang mas lalo nating maunawaan, gamitin nating halimbawa ang isang liham pangkaibigan sa ibaba upang matukoy natin ang ibat ibang bahagi ng liham:
Sanggunian: Castillo, L. et.al. 2011. "Komunikasyon: batayan at sanayang aklat sa filipino"