ANO MGA KASARIAN NG PANGNGALAN? PANLALAKI, PAMBABAE, DI-TIYAK

Cristina Daigo
is a Teacher in the Philippines

Kasarian ng Pangngalan

Ang mga pangngalan ay maaring matukoy ayon sa pangkat nga kinabibilangan nito. Mayroon apat na kasarian ang pangngalan: panlalaki, pambabae, di-tiyak ang kasarian, at walang kasarian.


A. Pangngalang panlalaki

Ito ang mga pangngalan na ginagamit o tumutukoy sa mga lalaking tao o hayop.

Halimbawa:

A.1 Mga pangngalang panlalaki

  • ama
  • kuya
  • tito
  • binata
  • padre
  • bayaw
  • hari
  • iho
  • manong
  • totoy
  • A.2. Mga pangungusap na ginagamitan ng pangngalang panlalaki

    1. Sinamahan ng tatay na magpagupit ang kaniyang anak.

    2. Tinawaran ng nanay ang presyo ng isda sa tindero.

    3. Kilala si Alakim bilang isang magaling na salamangkero.

    4. Nagtatrabaho ang kuya bilang isang kusinero.

    5. Si Shih Wang Di ay isang emperador sa sinaunang China.

    6. May alagang tandang si lolo.


    B. Pangngalang pambabae

    Ito ang mga pangngalan na ginagamit o tumutukoy sa mga babaeng tao o hayop.

    Halimbawa:

    B.1. Mga pangngalang pambabae

  • nanay
  • ate
  • prinsesa
  • reyna
  • dalaga
  • madre
  • ginang
  • manang
  • maestro
  • senyorita
  • B.1 Mga pangungusap na ginagamitan ng pangngalang pambabae

    1. Ang aking tiya ang nagregalo ng bago kong relo.

    2. Matagal nang nagtatrabaho si Macy bilang serbidora sa Singapore.

    3. Kilalang modista sa bayan si Aling Lusita.

    4. Labandera si Maui sa bahay ng mga Gomez.

    5. Matagal nang mag-amiga sina Lyneth at Odeth.

    6. Naglalaba si inday sa batis.


    C. Di-tiyak ang kasarian

    Ito ang mga pangngalan na maaring gamitin para sa lalaki o para sa babae.

    Halimbawa:

    C.1. Mga pangngalang di-tiyak

  • guro
  • magulang
  • alaga
  • artista
  • banyaga
  • bata
  • inaanak
  • kalaro
  • kapatid
  • kasama
  • C.2. Mga pangungusap na ginagamitan ng pangngalang pambabae

    1. Ngayon lang ulit nagkita-kita ang magbabarkada.

    2. May bago tayong kasama sa pangkat.

    3. Matatapos na ang termino ng mga opisyal sa pamahalaan

    4. Maraming nagnanais na maging isang pulis.

    5. Kasama ng tatay ang aming panganay na kapatid.

    6. Mabuhay ang bagong-kasal!


    D. Walang kasarian

    Ito ang mga pangngalan na tumutukoy sa pook o bagay na walang buhay at walang kasarian pati na rin ang mga bagay sa kapaligiran na may buhay ngunit walang kasarian.

    Halimbawa:

    D.1. Mga pangngalang walang kasarian

  • halaman
  • puno
  • upuan
  • kalye
  • simbahan
  • prutas
  • lamesa
  • papel
  • jeepney
  • tsinelas
  • D.2. Mga pangungusap na ginagamitan ng pangngalang pambabae

    1. Pinahiram ni Leslie ang kaniyang bestida.

    2. Isang mahabang kalsada ang EDSA.

    3. Kulay itim ang bagong sapatos ni Jenny.

    4. Ang salbabida ay naiwan sa sasakyan.

    5. Kunin mo nga ang pamaymay sa loob ng aking bag.

    6. Namumulaklak ang mga orchids sa hardin.



    Sanggunian: Dullo, E. et.al. 2015. “Komunikasyon 3 : batayan at sanayang aklats sa Filipino.”

    About the author

    Cristina Daigo

    Profession: Teacher
    Philippines , Guimaras , n/a

     

    Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
    The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

    Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.