Ano mga pwedeng gawin o pagkaabalahan tuwing tag-araw o taginit? Summer tips

Rizza Floro
is a Talent scout in Japan

Talaga namang ang tagaraw ang isa sa pinakamasayang mga araw sa taon mo. Sangkatutak na outdoor activities at outing ang nagiintay sayo. Kung lagi kang stressed at pagod sa trabaho, sa paaralan o sa loob ng pamilya sa dami ng gawain, eto na ang panahon na pinakaiintay mo.

Ano mga pwedeng gawin o pagkaabalahan tuwing tagaraw o taginit

Wag mong sayangin ang summer. Pwedeng-pwede kang mag-enjoy may pera man o wala. Pwede mo din namang gamitin ang panahon na to para sa mga iniisip mong mahahalagang bagay. Heto ang ilang magagawa mo para mas ma-enjoy mo ang summer o tag-init:

-Subukan ang iba-ibang klase ng lutuin. Baka na sanay ka na sa instant foods dahil lagi kang nag-mamadali. Ngayong summer, madami ka ng panahon na mag-experiment o manood sa internet ng mga videos. Kung gusto mo namang mas maging malusog, subukan ang mga pagkaing masusustansya gaya ng mga fruit shakes at salad. Dahil tag-init, mas kailangan ng katawan mo yung mga pagkaing malamig at nakakarepresko. Kung gusto mo naman ng pagkakakitaan, bakit hindi gawing negosyo ang mga pampalamig na inumin at pagkain na madaling gawin?

-Paghahalaman. Baka isipin mo, boring yan at nakakapagod. Pero kapag summer, eto ang pinaka magandang panahon para mag-tanim at gumawa ng garden. Bukod sa nagenjoy ka na, nakatulong ka pa sa pag papaganda ng paligid. Okay lang na mag-dumi ka. Mas exciting yon. Ayon sa pagsusuri, nakaka-alis ng stress at nakakagaan ng pisikal at mental na kalusugan ang simoy ng hangin.

-Mag exercise. Eto na ang panahon para mag papayat kung yan ang goal mo. Madaming ehersisyo na pwede mong gawin kahit nasa loob o labas ng bahay. Karaniwan na kapag summer, baka swimming agad ang maisip mo. Pero, sobrang dami pang iba, na baka di mo pa nasusubukan gaya ng pagakyat sa bundok, nature tripping, paglalakad kasama ng mga anak mo, pagbibisikleta, pag punta sa gym, pagka-camping, snorkeling ,at napakadami pang iba.

-Marami ding libangan ang pwede mong gawin kahit nasa bahay ka lang. Manood ng mga pelikula, mag-alaga ng hayop, gumawa ng mga DIY(do-it-yourself), magpaganda ng bahay o mag paint. Isipin mo kung ano ba ang mga talento at kakayahan mo at umisipi ng paraan na mas pakinabangan yon.

-Mamasyal sa mga lugar na di mo pa mapupuntahan. Pwedeng sa beach o di kaya mga Underground River o falls. Kung hanap mo naman eh lugar na mag-eenjoy ang mga bata, nanjan ang mga amuzement parks at parade na usong-uso tuwing summer. Subukan sing mag out of town o out of the country pa nga. Twing bakasyon, madaming pasyalan ang mas makaka-mura ka.

-Marami ang nagsusummer class o nageenroll sa mga driving lessons. Bakit hindi sulitin ang tag-init para mas matuto ng maraming bagay gaya ng pagluluto, pag-langoy, pagmamaneho at marami pang-iba.

-Paglilinis. Mas malaki ang panahon mo na iorganisa at iayos ang mga gamit mo kapag bakasyon. Baka noon, kulang na kulang ang panahon mo. Kung mas maaga mong mai-aayos ang mga gamit mo, mas mahabang panahon ang magagamit mo sa pagrerelax at paglilibang.

-Subukan din ang mga sumusunod:

l Pagpplano ng salo-salo kasama ang pamilya, kaibigan at mga katrabaho.

l Pagpunta sa mga Zoo o Pangingisda.

l Pag-bisita sa mga kamag-anak sa probinsya

l Pag tuklas sa mga natatago mong talento


Napakadaming pwedeng gawin pero limitado lang talaga ang panahon mo. Kaya tiyakin mo na talagang mag-eenjoy ka at hindi masasayang ang bakasyon mo. Sana nakatulong sayo ang mga tips sa artikulo na to.


About the author

Rizza Floro

Profession: Talent scout
Japan , Tokyo , Tokyo

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.