ANO PAMAMANHIKAN? PAANO MAMANHIKAN? ANO REGALO, INIHAHANDA NA PAGKAIN?

Rizza Floro
is a Talent scout in Japan

Mga tradisyonal na paraan ng panliligaw ng mga Pinoy!

Sa panahon ngayon na sanay ang mga kabataan sa mas madaliang proseso, may interesado pa ba sa tradisyonal o yung orihinal na paraan ng panliligaw ng isang pinoy?

Kahit nga hindi pa kayo nagkikita sa personal o sa chat lang nagkakilala, pwedeng-pwede ka ng manligaw. Pinapadali nga daw kasi ng teknolohiya lalo na ng internet ang lahat ng bagay. Pero ang totoo, kahit na malaki na ang iniunlad ng mga pinoy sa halos lahat ng bagay, madami pa ding dalagang pilipina sa ngayon yung mas gusto ang dating paraan ng panliligaw. Mas mapapasagot mo pa nga sila kung magiging mas makaluma ka, sabi nga nila. Paano nga ba yung tradisyonal na pagliligawang pinoy at mas epektibo nga ba?

- Magalang na tinatanong muna ng lalaki kung payag ba ang babae na magpaligaw. Hindi uso noon yung isang linggo palang kayo na magkakilala eh kayo na agad. Pero hindi yan jan natatapos kasi kailangan mo ding ligawan ang magulang niya. Karaniwan na, kapag ipakikilala ka ng babae sa magulang niya, kelangan mong magdala ng pasalubong.

- Harana. May gumagawa pa din naman niyan ngayon pero ibang iba talaga noon. Kasamang manghaharana ng lalaki ang mga kaibigan niya habang nakikinig ang babae sa bintana. Kaugalian na na magpakipot ang babae kaya hindi niya basta susunggaban sabi nga, ang lalaki. Kapag pumayag ang magulang na ligawan ang anak nila, papapasukin nila ito sa sala o living room. Pwede silang mag-usap ng lalaki pero nakaupong malapit lang ang mga magulang sa kanila. Hinding hindi hahayaan noon ng mga magulang na iwanang nagiisa ang anak nila kasama ang lalaki habang nagliligawan. Sa bahay talaga ang pagliligawan at hindi sa kalye.

- Pakitang-gilas. Kapag pumayag na ang magulang na ligawan ang anak nila, pagkakataon na ng lalaki na pagsilbihan ang babae kasama ang pamilya niya. Ipagsisibak niya sila ng kahoy, ipagiigib ng tubig, ipag-aayos ng mga sirang gamit o kung galante ka pa nga eh pwede mo silang bigyan ng bagong gamit. Ang kaso nga lang, dapat na maingat ang lalaki kasi baka isipin naman ng babae na masyado kang presko o mahangin. Matuturn-off sayo yun malamang.

- Normal lang na magpakipot ang babae kaya paulit-ulit niyang susubukin ang lalaki para malaman kung Kung mag-aya man ang lalaki na makipag-date, hindi pwedeng sila lang dalawa. Dapat na may chaperone sila at karinawan na eh yung malalapit na kaibigan.

- Kapag napasagot na ng lalaki ang babae pagkatapos ang napakahabang panahon ng pangliligaw, pwede na silang tawaging magnobyo o magnobya. Kung handa na sila na magpakasal, hihingin ng lalaki ang kamay ng babae sa mga magulang nito. Ang tawag jan, pamamanhikan. Hanggang ngayon naman eh uso pa din yan at di na yata mawawala pa sa mga Pilipino. Pupunta ang mga magulang ng nobyong lalaki sa bahay ng babae. Karaniwan ng gagawin nila ang pamamanhikan sa panahon ng hapunan. Kapag pumayag ang mga magulang ng babae, paguusapan na nila ang kasal. Sa wakas, kasalan na, ang pinaka hihintay nilang dalawa. Kung minsan, humihingi ng dote o dowry ang pamilya ng babae. Katunayan yan na mataas ang pagpapahalaga ng pamilyang Pilipino sa mga babae.

Kahit na parang naglaho na ang ilan sa mga paraan na yan, malamang na sasang-ayon ka na wala pading tatalo sa tradisyonal na pakikipagligawan.



About the author

Rizza Floro

Profession: Talent scout
Japan , Tokyo , Tokyo

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.