Ang ito,iyan,iyon,ay mga panghalip sa pagtuturo ng bagay.
Ang ito ay ginagamit sa pagtuturo ng bagay na malapit sa nagsasalita.
Halimbawa: Ito ang alaga naming aso.
Ang iyan ay ginagamit sa pagtuturo ng bagay na malapit sa kausap.
Halimbawa: Iyan ang malinis na tubig.
Ang iyon ay ginagamit sa pagtuturo ng bagay na malayo sa nagsasalita at kinakausap.
Halimbawa: Iyon ang pook-pasyalan.