ANO PINAGKAIBA NG KUNG AT KONG? WASTONG PAGGAMIT PANGUNGUSAP HALIMBAWA

Cristina Daigo
is a Teacher in the Philippines

Wastong paggamit ng Kung at Kong at Ng at Nang

Sa araw-araw nating paggamit ng salitang Filipino, hindi maiiwasan na magkaroon ng hindi wastong paggamit sa mga salitang kung at kong at ng at nang. Bagama’t magkasing-tunog ang mga salitang ito kung ating binibigas, mayroon itong pagkakaiba sa isa’t isa. Ano nga ba ang kanilang pagkakaiba at wastong paggamit nito sa pangungusap? Bigyang pansin ang mga sumusunod:


A. Kung at Kong

Malaki ang pagkakaiba ng dalawang salitang ito. Ang kung ay ginagamit na pangatnig sa mga sugnay na di makapag-isa sa mga pangungusap na hugnayan gaya nang mapapansin sa mga halimbawang pangungusap. Ang kong naman ay buhat sa panghalip na ko at nilalagyan lamang ng pang-angkop na ng sa pakikiugnay sa salitang sumusunod. Sa mga halimbawang pangungusap, ang ko ay inaangkupan ng ng sa pakikiugnay sa pang-uring bago at gayon din sa pang-abay nalahat. Samakatuwid ang ko ay nagiging kong dahilan sa pang-angkop, samantalang ang kung ay talagang iisang salita at ito ay isang pangatnig ng hugnayang pangungusap.


A.1. Halimbawa ng mga pangungusap na ginagamitan ng salitang kung

1. Sumama ka kay Trisha kung ibig mo.

2. Kung siya ay narito, tiyak na napaka-ingay natin.

3. Magugunaw ang aking mga pangarap sa buhay kung ako ay hindi makapagtapos ng pag-aaral.

4. Hindi ka makabayan kung hindi mo kayang ialay ang iyong buhay sa ating bayan.

5. Babagsak ang aking mga grado kung hindi ako mag-aaral nang mabuti.


A.2. Halimbawa ng mga pangungusap na ginagamitan ng salitang kong

1. Pilipinas kong mahal.

2. Ang bago kong paying ay naiwan ko sa tindahan.

3. Hahayaan kong maging masaya ka sa piling ng iyong sinta.

4. Ikukuwento kong lahat ang mga nangyari sa kaarawan ni Adela.

5. Pinili kong maiwan sa bahay dahil ayaw kong kasama si Lucas.


B. Ang Ng at Nang

Malalaman na naiiba ang kahulugan ng pangungusap kung nabaliktad ang paggamit sa ng at nang sa mga sumusunod na pagkakataon:


I. Ang salitang nang ang naangkop na gamitin kung ang sumusunod na salita ay pandiwa.


Halimbawa:

1. Talon nang talon ang tipaklon.

2. Lipad ng lipad sa himpapawid ang mga eroplano.

3. Kanina ko pa nakita si Lester na tanong nang tanong sa kaniyang katabi.

4. Gupit nang gupit ang barbero.

5. Kahol nang kahol ang aso ni Stella.


II. Ang salitang nang ang naangkop na gamitin kung ang sumusunod na salita ay pang-uri.

Halimbawa:

1. Ang lumakad nang matulin kung matinik ay malalim.

2. Sumuko nang mahinahon ang mga nakawalang bilanggo.

3. Kami ay magkaibigan sa loob nang mahabang panahon

4. Si Samantha ay uuwi nang maaga.

5. Ako ay natulog nang tanghaling tapat.


III. Ang salitang nang ang naangkop na gamitin kung ito ay gagamitin sa unahan ng pangungusap

Halimbawa:

1. Nang umalis ang bumbay ay agad na lumabas ng Kwarto si Eliza.

2. Nang tumunog ang alarma ay dali-daling lumikas ang mga residente malapit sa ilog.

3. Nang dumilim ang kalangitan ay agad na sinamsam ng nana yang kaniyang mga sinampay.

4. Nang ang pelikula ay natapos na saka nagising sa mahimbing na pagkakatulog ang kaibigan ni Andres.

5. Nang nalaman niya na nawawala ang kaniyang kwintas ay agad siyang kinabahan.

IV. Ang salitang ng ang naangkop na gamitin kung ito ay tumutukoy sa pagmamay-ari ng isang bagay

Halimbawa:

1. Ang mata ng aso ay nanlilisik.

2. Ang pisngi ni Alexandra ay mamula-mula.

3. Ang tuhod ng bata ay nasugatan.

4. Ang mukha ng birheng Maria ay tunay na kaakit-akit

5. Ang labi ng dalaga ay nakakahumaling.


Sanggunian: Florez, R. et.al. 2007. Punla 6: serye sa wika at pagbasa

Jocson, M. et.al 2011. Hiyas ng lahi: panitikan, gramatika, at retorika







About the author

Cristina Daigo

Profession: Teacher
Philippines , Guimaras , n/a

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.