ANO PINAGKAIBA NG SUGNAY SA PARILALA? HALIMBAWA PANG-UKOL, PAWATAS, PANURING

Cristina Daigo
is a Teacher in the Philippines

A. Sugnay o clause

Ang sugnay ay o hugnay ay ang kalipunan ng mga salita na may simuno at panaguri na naglalahad ng isang buong diwa o di-buong diwa. Ang mga sumusunod ay ang halimbawa ng dalawang uri ng sugnay na nabanggit:


A.1. Sugnay na makapag-iisa o independent clause

Ang malayang sugnay ay maaring maglahad ng isang buong diwa.

Halimbawa

1. Ako ay kakain ng sorbetes.

2. Si Annie ay pupunta ng Cebu.

3. Si tatay ay bibili ng bigas.

4. Kami ay mamamasyal sa SM Mall of Asia.

5. Ang ating silid aralan ay malawak.

6. Si Darwin at mag-aaral ng mabuti.

7. Ako ay matutulog.

8. Ang aking proyekto sa Filipino ay tapos na.

9. Ang barkada ay manonood ng sine.

10. Si Maris ay nahuli sa klase.



A.2. Sugnay na di makapag-iisa o dependent clause

Ang uri ng sugnay na ito ay mayroong paksa at panaguri ngunit hindi buo ang diwa na ipinapahayag. Kailangan nito ng sugnay na makapag-iisa upang mabuo ang diwa na nais ipahiwatig.

Halimbawa:

1. nang sila ay umalis.

2. para makita ang kaniyang iniibig.

3. upang dumagsa ang mga mamimili.

4. kaya pwede na akong maglaro sa plaza.

5. upang makapag-aral.

6. para hindi ako magkasakit.

7. samantalang kami ay kakain sa McDonalds.

8. kung ako ay tatama sa Lotto.

9. kapag nakasuweldo na si tatay.

10. habang ang mga aso ay natutulog.



B. Parirala o phrase

Ang parirala ay ang lipon ng mga salita na walang simuno o panaguri, walang buong diwa, at ginagamit lamang na bahagi ng pangungusap. Ang mga sumusunod ang iba’t ibang uri ng parirala:


B.1. Pariralang Pang-ukol

Ito ay binubuo ng pang-ukol at layon (maaring pangngalan o panghalip)

Halimbawa:

1. sa Iloilo at sa Guimaras

2. ukol sa bagong ordinansa.

3. para sa iyo

4. galing sa kanya

5. sa Quezon City


B.2.Pariralang Pawatas

Ito ay binubuo ng pandiwang pawatas at ng pangngalan.

Halimbawa:

1. ang mga dumating

2. ng mga kakain

3. sa kamag-aral

4. ang mga manood

5. sa kabarkada



B.3. Pariralang Panuring

Ito ay binubuo ng panuring at pangngalan

1. bagong kotse

2. maruming damit

3. mabagal na trapiko

4. asul na langit

5. baluktot na linya


B.4. Pariralang Pangngalang-diwa

Ito ay binubuo ng pantukoy at pangngalang-diwa (ang salitang pag at ang salitang ugat).

1. ang pagdarasal

2. sa pag-uwi

3. pati ang pa-iihaw

4. ang pagkain

5. sa pagtulog



Sanggunian: Delos Santos, H. et.al Makipagtalastasan tayo sa Filipino: wika at pagbasa 3


Richohermoso, M.W. 2013. Baybayin: paglalayag sa wika at pagbasa batayan at sanayang aklat sa Filipino 3



About the author

Cristina Daigo

Profession: Teacher
Philippines , Guimaras , n/a

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.