Ano Poong Nazareno Traslacion Deboto? What is Black Nazarene Procession?

Rizza Floro
is a Talent scout in Japan

Kailan ang pagdaraos o pagdiriwang ng Traslacion ng Poong Nazareno?

Tuwing Ika-9 ng Enero bawat taon, milyon-milyong mga deboto ang nagtitipon upang sabay na ipagdiwang ang Kapistaan ng Poong Itim na Nazareno. Sila ay nakikilahok sa isang napakalaki at napaka en grandeng prusisyon na kilala sa tawag na “Traslacion,” kung saan ang mga deboto ng Nazareno ay ipinaparada ang replika ng estatwa sa mga kalye ng Maynila.

Ano Poong Nazareno Traslacion Deboto, When What is Black Nazarene Procession

Aabot sa halos 18 milyong mga deboto ang nakikilahok at inaasahang lalahok sa taunang prusisyon at sa mga pagdiriwang at tradisyon na kalakip dito.


Kasaysayang ng Traslacion ng Poong Nazareno sa Quiapo

Matatandaang ang dating Santo Papang si Innocent X pa mismo ang kumilala sa taimtim na debosyon ng mga Pinoy sa Itim na Nazareno ng Maynila noong 1650.

May mga taong naghihintay at pumipila ng halos pitong oras nang walang reklamo para lang mahawakan o mahaplos ang imahe ng Mahal na Poon.


Ano pinaniniwalaan ng mga deboto ng Poong Nazareno?

Pinaniniwalaang ang rebulto ng Itim na Nazareno ay nililok sa itim na kahoy ng Mesquite na dinala pa dito sa Pilipinas mula sa bansang Mexico ng mga Agustinong prayle noong 1606. Ang Traslacion ay gumugunita sa paglilipat ng isa sa pinaka kilalang imahe ng Panginoong Hesukristo mula sa kung saan ito nakalagi sa may Intramuros papuntang Basilica Minore ng Quiapo Church sa distrito ng Quiapo sa Maynila noong Enero 9, 1767.


Sa daan-daang taon nang nakalipas, ang nililok na estatwang ito ay nalampasan ang hindi mabilang na mga delubyo at problema, pati na ang nagbabagang pagkasira ng Quiapo noong Kalayaan ng Maynila noong Ikalawaang Digmaang Pandaigdig. Ang kanyang katatagan at lakas na paglipas ng ilang daang taon at ang hiwagang nakapalibot dito ang siyang nagdadala ng milyon-milyong mga deboto taon-taon sa Quiapo para sa Kapistahan ng Poong Nazareno.


Ang pagdiriwang o selebrasyon ng Kapistahan ay nagsisimula sa ika 7 ng Enero, kung saan ang mga deboto ay pumupunta sa simbahan dala ang kanilang mga maliliit na estatwa o replika ng imahe ng Itim na Nazareno para ipabasbas. Tinitiis nila ang mahahabang pila, kawalan ng tulog, sobrang init, gutom at pati na ang iba’t-ibang sugat at pasa kapag ipinarada na ang estatwa ng Nazareno para lang sa pagkakataong mahawakan, mahalikan o kahit man lang bahagyang mapalapit sa estatwa ng Poong Itim na Nazareno.


Maraming mga kritiko ng relihiyon at pilosopiya ang tumutuligsa sa selebrasyon at nagsasabing ang paradang ito ay isang uri ng panatisismo at bulag na pagsamba sa isang rebulto. Ngunit salungat ang ipinapakita ng mga debotong ito sa mga puna ng mga kritiko. Kailangan ng tatag ng loob, tapang, at taimtim na paniniwala at kagustuhang mapalapit sa Poong Nazareno para gawin ang mga ginagawa ng mga debotong ito. Karamihan din daw sa mga pumupuna sa selebrasyon ay hindi pa nakakapunta dito.


Gaano karaming tao ang dumadalo sa Traslacion ng Poong Nazareno?


Halos limang libong pulis at siyam na daang tauhan ng military ang itinatalaga sa mga lugar na ito para masigurado ang seguridad at kaligtasan ng mga deboto. Nakaantabay naman ang Red Cross sakaling may mga himatayin, masugatan o atakihin sa puso sa kasagsagan ng Traslacion tulad ng mga nakaraang taon.


About the author

Rizza Floro

Profession: Talent scout
Japan , Tokyo , Tokyo

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.