Ang tagalog ng Idioms ay Kataga at ang Idiomatic ay Kawikain
Balat kayo
- Nagpapanggap
- Plastic
- Hindi totoo
- Huwad
Halimbawa
Ang bago naming lipat na kapitbahay ay nagbabalatkayo lang.
Ang mga kandidato ay nagbabalatkayo lamang.
Kapal ng Mukha
- Hindi nahiya
- Walang hiya
Halimbawa
Ang kapal ng mukha ng lalaking dalhin ang kanyang kabit sa bahay nila.
Si Dolores ay makapal ang mukha, kasi pumunta siya sa okasyon kahit hindi imbitado.
Ahas
- Taksil
- Manloloko
- Nang-agaw
- Malandi
Halimbawa
Ang matalik kong kaibigan ay ahas, nilandi ang asawa ko.
Mababa ang Luha
- Mabilis umiyak
- Iyakin
- Sensitive
Halimbawa
Si Ana ay may mababang luha, sa kanyang pinanuod na pelikula.
Pagputi ng Uwak
- Imposibleng mangyari
Halimbawa
Ayon kay Tess sasagutin niya ang kanyang manliligaw kapag pumuti na ang uwak.