ANO ANG MGA URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT? PATUROL, PATANONG, PADAMDAM, PAUTOS

Cristina Daigo
is a Teacher in the Philippines

Uri ng Pangungusap ayon sa gamit

Mayroong iba’t ibang uri ng pangungusap ang madalas nating ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan. Ano pinagkaiba nito? Ang mga sumusunod ay ang mga uri ng pangungusap at mga halimbawa nito:


A. Pasalaysay o Paturol

Ang uri ng pangungusap na ito ay naglalahad ng katotohanan o pangyayari. Kadalasan itong nagtatapos sa tuldok (.).

Halimbawa:

Ang Pilipinas ay binubuo ng 7,107 na mga isla.

Si Corazon Aquino ang unang babae na naging president sa Pilipinas.

Bahagi ng kontinente ng Africa ang bansang Egypt.

Oblate spheroid ang hugis n gating daigdig.

Tuwing ika-25 ng disyembre ipinagdiriwang ang pasko.

Berde ang kulay ng hilaw na mangga.


B. Patanong

Ito ang mga pangungusap na nagnanais na makakuha ng impormasyon tungkol sa isang katotohanan o pangyayari. Lagi itong may tandang pananong (?) na bantas sa hulihan ng ganitong uri ng pangungusap.

Halimbawa

Kailan uuwi ang iyong ama?

Anong oras magsisimula ang programa sa plaza?

Sino ang bagong presidente ng Amerika?

Bakit ka nanaman nahuli sa klase?

Saan-saan matatagpuan ang mga magagandang tanawin ng Pilipinas?

Kanino ang pulang sasakyan na nakaparada sa labas ng bahay?


C. Padamdam

Nagsasalaysay ng matinding damdamin gaya ng lungkot, pagkagulat, tuwa, pagkamangha o panghihinayang ang uri ng pangungusap na ito. Karaniwang nagtatapos ito sa tandang panamdam (!) o maari ring gamitin ang tandang pananong (?).

Halimbawa

Yehey! Dalawang araw nanaman na walang pasok sa paaralan.

Naku! Nasusunog ang bahay ni Mang Romeo.

Ano? Hindi nakahabol sa biyahe ng eroplano si Stella?

Arturo, bakit mo kami iniwan ng mga anak mo?

Sabi ko na nga ba tama ang mga sagot ko!

Susmaryosep! Ginulat mo naman ako sa pagbabalik mo.


D. Pautos o Pakiusap

Ang mga pangungusap na pautos ay naglalahad ng obligasyong dapat tuparin at ang mga pangungusap na pakiusap naman ay nagpapahayag ng pag-uutos sa magalang na pamamaraan. Ang mga ganitong uri ng pangungusap ay kadalasang gumagamit ng bantas na tuldok (.).

Halimbawa

D.1. Pautos

Hugasan mo ang mga pinggan.

Matulog ka nang maaga.

Pumila ng maayos sa paradahan ng jeep.

Huwag magtapon ng basura dito.

Bawal pumarada ang mga sasakyan sa harap ng bahay.

Isarado ang pintuan sa tuwing lalabas ng silid-aklatan.

D.2. Pakiusap

Makikisuyo po na iabot ang bayad sa drayber.

Maari mo bang dahlin bukas ang mga librong gagamitin natin?

Pakibigay mo naman sa nanay mo ang bayad ko sa kaniyang paninda.

Nakikiusap po ako na sundin ninyo ang sinasabi ng pinuno natin.

Makikiraan lang po kami sa inyong bakuran.




Sanggunian: Antonio, E. et.al. 2015. “Kayamanan 4: batayan at kagamitang pampagturo sa Filipino.”

About the author

Cristina Daigo

Profession: Teacher
Philippines , Guimaras , n/a

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.