ANO ang URI, SANGKAP, AT BAHAGI NG SANAYSAY? Halimbawa, TEMA, ANYO, PANIMULA, KATAWAN

Cristina Daigo
is a Teacher in the Philippines

Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, o reaksyon ng may-akda hingil sa isang makabuluhan, mahalaga at napapanahong paksa o isyu.

Mahalaga ang pagsulat at pagbabasa ng sanaysay sapagkat natututo ang mga mambabasa mula sa inilalahad na kaalaman at kaisipan taglay ng isang manunulat. Nakikilala rin ng mga mambabasa ang manunulat dahil sa paraan ng pagkasulat nito, sa paggamit ng salita at sa lawak ng kalaaman sa paksa.

A. Uri ng sanaysay
A.1. Pormal – Ito ang sanaysay na tinatawag din na impersonal na tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng masusing pag-aaral at malalim na pagkaunawa sa paksa. Layunin ng manunulat na mahikayat ang kaniyang mga mambabasa makapag-isip, makabuo ng sariling pagpapasiya at makagawa ng hakbang matapos maunawaan ang nabasang sanaysay.
Isang uri ng pormal na sanaysay ay ang editorial sa mga pahayagan. Isa itong sanaysay na may opinion tungkol sa mga maiinit na mga balita.
A.2. Di-pormal – Ito ang mga sanaysay na tinatawag din na personal o palagayan na tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwang, pang-araw-araw at personal. Binibigyang diin ng manunulat ang mga bagay-bagay, mga karanasan o isyung maaring magpakilala ng personalidad ng manunulat o pakikisangkot niya sa mga mambabasa.

B. Sangkap sa pagsulat ng sanaysay
Upang maging mas kaaya-aya sa mga mambabasa ang sanaysay, inaasahan na ito ay naglalaman ng mga sumusunod:
B.1. Tema at Nilalaman – Anuman ang nilalaman ng sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa layunin sa pagkakasulat nito at kaisipang ibinahagi.
B.2. Anyo at Instruktura – Ang anyo at istruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaapaketo ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa, ang maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulong sa mambabasa sa pagkaunwawa ng sanaysay.
B.3. Wika at Istilo - ang uri at antas ng wika at istilo ng pagkakagamit nito ay nakaapekto rin sa pagkaunawa ng mambabasa, higt na mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag.

C. Bahagi ng sanaysay
C.1. Panimula – ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat sapagkat ito ang unang titignan ng mga mambabasa. Dapat nakapupukaw ng atensyon ang panimula upang ipagpatuloy ng mambabasa ang pagbasa sa akda.
C.2. Katawan – Sa bahaging ito ng sanaysay makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay. Dapat ipinaliliwanag sa bahaging ito ang bawat puntos upang maunawaan ito nang maigi ng mga mambabasa.
C.3. Wakas – Ito ang panghuling bahagi ng sanaysay na nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay. Sa bahaging ito nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay ng sanaysay.

Halimbawa ng isang sanaysay na mula sa Pilipino Star Ngayon:
(Petsa:Hulyo 26, 2016. Pinagkunan: http://www.philstar.com/psn-opinyon/2016/07/26/1606654/editoryal-kapayapaan-pagbabago

“LAHAT tayo ay naghahangad ng kapayapaan o katahimikan– hindi nang katahimikan para sa mga patay kundi katahimikan para sa mga buhay,” sabi ni President Rodrigo Duterte kahapon sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA). Tumagal ng isang oras at kalahati ang pagsasalita ng Presidente na unang napabalita na 30 minuto lang tatagal. Maraming isiningit si Duterte sa kanyang talumpati katulad nang simpleng pagpapatawa na nagdulot naman ng kasiyahan sa mga bisita.

Dapat nang wakasan ang karahasan at tamasahin na ang sarap ng kapayapaan. Inihayag ni Duterte kahapon ang unilateral ceasefire sa mga rebelde. Sana raw, ganito rin ang gawin ng mga rebeldeng komunista. Sabi pa ng Presidente, nakatakda na ang usapang pangkapayapaan sa mga rebelde sa susunod na buwan na gagawin sa Norway.

Maganda ang hakbang na ito ni Duterte. Ang pagkakamit ng kapayapaan ay dapat nang magkaroon ng puwang upang umusad ang bansa at tuluyan nang umunlad. Kapag nagkaroon ng positibong resulta ang usapang kapayapaan laban sa mga rebeldeng komunista, mahihikayat na ang investors na maglagak ng kanilang puhunan sa bansa. Wala na silang katatakutan para dito sa Pilipinas magnegosyo. Ang resulta nito ay ang pag-angat ng ekonomiya at maraming mahihirap na pamilya ang makikinabang. Wala nang magugutom at wala nang gagawa nang krimen. Ang kahirapan ang ugat ng krimen.

Nararapat namang tuparin ng Duterte administration ang naunang pangako na susugpuin ang kriminalidad at ang pagkalat ng bawal na droga. Tiyakin na wala nang drug lords sa bansang ito sa loob ng anim na buwan. Ipatupad din ang madaliang pagkuha ng mga papeles at anumang dokumento na hindi na pipila. Wakasan na ang contractualization at ganundin naman ang bawas tax sa mga karaniwang manggagawa.

Kapayapaan at pagbabago ang mensahe ni Duterte kahapon. Aabangan ng mamamayan ang mga pangakong ito."


Sanggunian: Dullo, E. et.al. 2015. “Komunikasyon 6 : batayan at sanayang aklats sa Filipino.”
Jocson, M. et.al 2011. “Hiyas ng lahi: panitikan, gramatika, at retorika”



About the author

Cristina Daigo

Profession: Teacher
Philippines , Guimaras , n/a

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.